^

Punto Mo

Ang regalo

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG misyonero ang  ipinadala sa Africa upang ibahagi sa isang tribu ang mga aral ng Kristiyanismo. Siya ay lumaki sa Pacific Coast of the United States kaya nakasanayan niya ang pamumuhay malapit sa dagat. Lihim niyang hiniling na sana’y malapit sa dagat ang lugar na pagdadalhan sa kanya sa Africa. Ngunit pagdating sa lugar ng assignment niya, nalaman niyang napakalayo pala nito sa dagat.

Ang isa sa trabaho niya bilang misyonero ay magkaroon ng Bible class sa ilang black students upang sanayin ang mga ito na maging evangelist din na kagaya niya. Nahalata ng kanyang mga estudyante sa kanyang mga lectures ang pagmamahal niya sa dagat. Ito lagi ang ginagamit niyang illustrative material o kaya ay masasalamin sa kanyang mga kuwento ang kanyang kasabikan na muling makapamasyal sa tabing dagat.

Minsan ay nabanggit niya sa kanyang lecture na ang pagbibigay sa kapwa ang isa sa diwa ng buhay Kristiyano. Si Jesus Christ ay iniregalo ng Diyos sa mundo noong ipinanganak ito sa sabsaban. Ibinahagi rin ng misyonero ang tungkol sa Pasko at pagbibigayan ng regalo sa panahong nabanggit. Hindi siya sigurado kung nakuha ng kanyang mga estudyante ang konsepto ng gift-giving.

Noon ay nasa dalawang linggo silang break sa Bible class. Binisita siya isang araw ng kanyang isang estudyante.

“Dinalhan ko po kayo ng regalo mula sa dagat”, ang nakangiting bati ng Black student.

Halatang nagmula ito sa malayong paglalakad dahil pawisan ito; pagod at maalikabok ang damit na suot. May bitbit itong basket na naglalaman ng iba’t ibang seashells. Ang alam ng misyonero ay walang ganoong seashells sa lugar na iyon. Nahulaan agad  niyang dumayo pa ito sa malayong lugar para kuhanin ang mga ito.

Nakangiti ang misyonero pero naroon ang pag-aalala sa kanyang estudyante, “Pero ang layo ng nilakad mo, 170 miles, para makarating ka sa dagat at makuha ang magagandang mga seashells na ito!”

Napakamot sa ulo ang black student at nakangiting sumagot, “Sir, long walk is part of the gift”.

              

GIFT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with