^

Punto Mo

Teenager sa U.S., pinarangalan ng Guinness dahil sa pagkakaroon nang inakamalaking bunganga sa buong mundo’!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NOONG 2019, pinarangalan ng Guinness Book of World Records ang noo’y 14-anyos na si Isaac Johnson ng titulong: World’s Largest Mouth Gape (male). Umabot kasi sa 3.67 inches ang sukat ng kanyang bibig kapag nakabuka.

Ngunit mabilis na nawala sa kanya ang titulo matapos ang dalawang buwan dahil napunta ito kay Philip Angus ng Pennsylvania na may 3.75 inches ang laki ng bunganga.

Ngayong 2021, nabawi ni Johnson ang Guinness World Record title dahil lalo pang lumaki ang kanyang bibig na nga­yon ay may sukat nang 4 inches!

Dahil sa laki ng bibig ni Johnson, kasya nang ipasok dito ang canister ng potato chips na Pringles at ang 1.5 liters na bote ng softdrinks.

Nang tinanong si Johnson kung paano lalong lumaki ang kanyang bibig, sinabi niya na epekto ito ng puberty dahil nasa edad siya kung kailan maraming pagbabagong nagaganap sa kanyang katawan.

 

GUINNESS BOOK OF WORLD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with