^

Punto Mo

Final exam

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY sorpresang announcement ang propesor nila sa Organic Chemistry. Mahirap na nga ang subject na ito na maintindihan, lalo pang nagpahirap ay ang pagiging terror ni Ma’am.

“Next week ay final exam. Bibigyan ko kayo ng dalawang pagpipilian. Una, kukuha kayo ng final exam. Ang 50 percent ng inyong final grade ay manggagaling sa grade ninyo dito sa final exam.

Ikalawang option, Puwede kayong hindi kumuha ng final exam pero…”

Hindi pa natatapos ang sinasabi ng propesor ay nagsigawan sa tuwa ang mga estudyante. Ipinagpatuloy ng propesor ang pagsasalita.

“Babawasan ko ang inyong current grade kapag pinili n’yo ang ikalawang option. Halimbawa, A ang inyong current grade, magiging B na lang ang magiging final grade. One full  letter grade lower.”

Natahimik ang lahat. Pero sa bandang huli ay nagdesisyon silang huwag nang kumuha ng final exam.

“Sa mga magdedesisyong kukuha ng final exam, kausapin n’yo ako 3 days before the exam para alam ko ang bilang ng ipi-print kong questionnaires. Okey? See you next week.”

Sa 25 estudyante ng Organic Chem, siya lang ang nagpaalam sa propesor na kukuha ng exam. May kailangan siyang i-maintain na grade dahil scholar siya. Pinagbuti niya ang pagre-review. Review sa umagang-umaga, review pa rin sa gabi. Mahirap ang ibinibigay na exam sa Organic Chem. Pihadong kasinghirap ng midterm exam o mas mahirap pa. Dumating ang araw ng exam. Nasulyapan niyang four pages ang questionnaire.

“Puwede ka pang mag-back out. Maiintindihan kita.”

“Mam tuloy po ang pagkuha ko.”

Iniabot sa kanya ang exam. Nagulat siya. Sa unang pahina lang may nakasulat ngunit sa ikalawa, ikatlo at ikaapat ay blanko. Sa unang pahina ay nakasaad ang mga sumusunod:

This is not a final about Organic Chemistry, but a test of courage. Ang sinumang kumuha ng final exam ay automatic na bibigyan ko ng 100 percent or an A+(plus).

Congratulations! Sign your name and turn in your test.

CHEMISTRY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with