^

Punto Mo

Mag-asawa sa Brazil, itinayo ang kanilang dream house sa tulong ng youtube tutorials!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PANGKARANIWAN na ngayon ang gumawa ng mga “do-it-yourself” o DIY projects sa tulong ng video tutorials sa YouTube.

Pero nakakahanga ang mag-asawa sa Brazil dahil bahay ang kanilang ginawa sa tulong ng video tutorials. Hinangaan sila ng netizens dahil natapos nila ang isang pambihirang DIY project.

Inabot ng tatlong taon bago nabuo nina Evandro Balmant at asawang Ane Caroline ang kanilang dalawang palapag na bahay sa Critiba, Brazil.

Walang kahit anong background sa construction ang mag-asawa kaya inabot ng ganito katagal ang pagbuo sa kanilang tahanan pero ayon sa mag-asawa, worth it ang tagal nito dahil nakatipid sila ng 50 percent sa overall cost ng bahay.

Sa simula, pundasyon lang sana ang i-DIY ni Balmant pero nang makita niya na maganda ang kinalabasan nito, nagdesisyon siya na gawin na niya ang buong bahay nang hindi kumukuha ng serbisyo ng construction company.

Sa tulong ng mga napanood niyang YouTube tutorials sa pagbuo ng bahay, unti-unting nabuo niya mag-isa ang kanilang dreamhouse. Pero bukod sa Youtube, binigyan din siya ng mga advice at tulong ng kaibigan niyang architect at engineer.

Matapos ang tatlong taon na pagtatayo nito, inabot ng 150,000 Brazilian Real (katumbas ng P1.3 milyon) ang 200 square meters two-storey house ng mga Balmant.

DIY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with