Albayalde, pinawalang sala ng DOJ at Ombudsman!
HULI man ay nakamtan din ni retired PNP chief Gen. Oscar Albayalde ang hustisya. Dinismis ng Department of Justice at Ombudsman ang drug at graft charges na isinampa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa kakulangan ng ebidensiya. Si Albayalde ay sinibak ni President Digong sa puwesto, halos dalawang linggo bago siya magretiro, dahil sa mainit na alegasyon na sangkot siya sa anomalya tungkol sa paghuli ng kanyang mga tauhan ng 200 kilos ng shabu noong hepe pa siya ng Pampanga.
Dahil sa pagdismis ng kaso ni Albayalde, tiyak binabagabag na ang konsensiya nina Sen. Dick Gordon, ang chairman ng Senate Committee on Blue Ribbon at Baguio City Mayor Benjie Magalong dahil sa papel nilang pagyurak sa pagkatao ng dating PNP chief. Hihihi! May konsensiya pa kaya sila? Ano sa tingin n’yo mga kosa?
Naunang dinismis ng Ombudsman ang amended complaint ng CIDG dahil nilabag nito ang constitutional right ni Albayalde dahil sa hindi ito nabigyan ng pagkakataon na marinig ang akusasyon laban sa kanya. “It is thus, insufficient to establish proof of any unlawful act or omission on the part of Albayalde,” ani graft probers Director Moreno Generoso, Lucielo Ramirez Jr., at Bonifacio Mandrilla. “Wherefore, the DOJ’s recommendation to indict Albayalde is hereby set aside. The charges against him are hereby dismissed for insufficiency of evidence,” ani DOJ prosecutors. “The evidence it presented, is not only tainted with procedural lapses, but also failed to establish criminal liability on his part,” ayon pa sa Ombudsman. Mismooooo! Dipugaaaaa!
Sa aspeto naman ng drug charges, sinabi ng DOJ prosecutors na walang ebidensiya na si Albayalde ay sangkot sa misappropriation ng 200 kilos ng shabu na nakumpiska ng kanyang mga tauhan sa drug raid noong 2013 sa Pampanga. Ayon sa reklamo, dineklara lamang ng mga pulis na 36 kilos ang narekober nila.
Sinabi ng DOJ na hindi dapat parusahan ng command responsibility si Albayalde, na Pampanga police director sa panahon na ‘yaon, dahil walang ebidensiya para patunayan na nagkasala siya. Si PO2 Anthony Loleng Lacsamana, na co-accused ni Albayalde ay pinawalang sala rin dahil sa hindi naman siya kasama sa raid sa safehouse ng drug lord na si Johnson Lee. Ang kaso ni Albayalde ay dininig sa komite ni Gordon at dahil dito sinibak s’ya ni President Digong bago s’ya mag-retire noong Nov. 8, 2019. Tsk tsk tsk! Konting kembot na lang eh! Dipugaaaaa!
Ikinatuwa naman ni Albayalde ang paglinis ng kanyang pangalan ng DOJ at Ombudsman. “On behalf of my family, I would like to extend my gratitude to all the people who have supported us through these trying times,” ani Albayalde. “It has been especially hard on my children who were immensely hurt by these false accusations.” Itong desisyon ng DOJ at Ombudsman, ani Albayalde ay “concrete validation of what I’ve always insisted, that these personal attacks were baseless and without evidence.” “As I have maintained since the beginning, I have placed my full trust in our justice system, and thankfully the truth has prevailed,” ang dagdag pa niya. Dipugaaaaa! Abangan!
- Latest