^

Punto Mo

Mabilis na kaluwagan, mga eksperto kabado!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NAGING mabilis ang mga pangyayari.

Nakakabigla umano ang mga kaluwagan ngayon na ipinatutupad sa ilalim ng Alert Level 2 sa Metro Manila.

Parang sa isang iglap pwede na lahat.

Lahat pwede nang lumabas.

Marami sa bawal noon pwede na ngayon.

Kamakalawa lamang sinasabing bawal pa ang mga menor de edad at seniors na sumakay sa mga pampublikong sasakyan, kahapon nagdesisyon pwede  na silang lahat.

Halos bukas na rin ang lahat.

Ngayong araw inaasahan na madedesisyunan na rin ang tungkol sa patakaran sa  face shield na malamang eh tanggalin na rin.

Sa lahat ng ito, ang mga health expert naman ang siyang kabado.

Dahil nga sa mga biglaang pagbabago at kaluwagan eh baka maging biglaan at isang iglap rin ang pagtaas ng kaso ng hawaan.

Pinapayagan na rin ang mga gathering kahit hindi magkakamag-anak, pwede nang magsalusalo.

Sana nga lang eh matiyak na ang lahat eh totoong bakunado.

Ayon sa mga eksperto, isa lang umano na walang bakuna na tamaan ng virus at makahalubilo ng mga bakunado may posibilidad pa rin nang hawaan.

Kaya nga ang iniaalok ngayon ng pamahalaan kailangan bakunado ang lahat para mabilis na matamo ang target na population protection.

Hindi nga naman masabi, ganyan ang nangyari sa ibang bansa na ngayon ay muling umalagwa ang kaso matapos ang ginawang biglaang kaluwagan.

Alam natin na sabik ang marami na makabalik sa normal na pamumuhay, sabik na makalabas ng bahay kasama ang kanilang pamilya na pwede na naman basta ngalang tandaan nasusunod ang mga patakaran sa pag-iingat.

Wala naman sanang maging pabaya sa pagsunod sa saftey protocol, para magtuluy-tuloy nang makabalik sa normal ang lahat.

ALERT LEVEL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with