^

Punto Mo

Information dissemination sa bakuna, palakasin pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nakatakda nang simulan sa Okt. 15 ang pagba­ba­kuna sa general adult population at malamang­ isu­nod­­ at masimulan na rin ang pagtuturok sa mga kabataan na nasa edad 12 hanggang 17-anyos.

Kasunod na rin ito pagdating sa bansa ng sangkaterbang bakuna kung saan nga milyun-milyon ang nakaimbak sa mga warehouse na nakatakda nang maipamahagi sa iba’t ibang lugar.

Ngayong marami nang bakuna, ang magpapabakuna naman ang napapansin na kinakapos.

Kinakapos dahil marami pa rin ang tumatanggi dito na may mga pansariling dahilan.

Pinakanangunguna na dyan eh ang takot, lalo na nga’t nakakatanggap o nakababasa sila ng mga negatibong ulat ukol sa vaccines.

Mga nagdadalawang-isip, marami pa rin talaga ‘yan.

Kung noon ang supply ng bakuna ang naging suliranin, ngayon ang bakuna ang naghihintay sa magpapaturok.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit sa 85 milyon ang natanggap na bakuna ng bansa, nasa 49 doses dito ang naiturok at sa bilang na ito 23 milyon ang sinasabing ‘fully vaccinated’.

Kung tutuusin napakaliit pa lang na porsiyento ito.

Kaya nga matindi pa rin ang pangangailan para sa information dissemination para maturuan at mapaliwanagan pa ang mga nag-aalinlangan sa kahalagahan ng bakuna.

Dapat mapawi sa kanilang isip ang takot, kundi ang dapat mamutawi na ang bakuna ay isang mabisang proteksyon sa COVID-19.

Kung makukumbinsi ang malaking porsiyentong ito, madali nang makakamit ang herd immunity hindi lamang sa Metro Manila kundi sa lahat ng panig ng bansa.

Kung mangyayari ito, tuluyan nang makakabalik sa normal na walang kinatatakutan.

Sa ibang bansa, ramdam na ang pagbabago sa sitwasyon, dahil sa nakamit na nila ang herd immunity. May ilan pang bansa ang tinanggal na rin ang pagsusuot ng face mask katunayan na patungo na sa normal.

Bagamat sa Pinas, inaasahan na rin ang pagbaba ng mga Alert Level o quarantine status, gayunman, kailangan talagang maturukan ang malaking porsiyento ng mamamayan nito para sa proteksyon  ng bawat isa at ang hawaan ay may maliit nang tsansa.

BAKUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with