^

Punto Mo

Rejections

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Wayne Gretszy: Player ng ice hockey.

“The Great One”, ang tawag sa kanya. Kinilalang “the best player in the history of the National Hockey League  (NHL)”. Bininyagan namang “the greatest hockey player ever” ng sportswriters.

Noong edad 17 ay nag-aplay maging hockey player pero ni-reject ng National Hockey League (NHL) dahil maliit ang pangangatawan at masyadong bata pa. Gusto ng NHL ay 20 pataas ang edad at malaki ang katawan. Sa pagtitiyaga ay nakapasok rin sa NHL and the rest is history, ‘ika nga.

Colonel Sanders: Creator ng Kentucky Fried Chicken

Halos sa kotse na siya tumitira dahil sa madalas na pagbibiyahe sa iba’t ibang lugar na may malalaking restaurant. Abala siya sa pag-aalok ng kanyang exclusive fried chicken recipe. Mahigit sa isang libong beses siyang tinanggihan ng mga restaurant hanggang may isang nagtiwala.

Mark Victor Hansen & Jack Canfield: Awtor ng Chicken Soup for the Soul series.

Ni-reject ng 50 book publishers bago may isang publisher na sumugal sa kanilang iniaalok na libro. Pagtapos ng katakot-takot na rejections, bumenta ang libro ng 75 million copies.

Fred Astaire: American film and Broadway stage dancer, choreographer, singer and actor. 

Isinulat ng testing director sa kapirasong papel ang comment niya kay Fred pagkatapos kumuha ng screen test sa MGM Film: Hindi artistahin dahil medyo nakakalbo; hindi marunong umarte; hindi mahusay sumayaw. Noong una ay masakit pero naging inspirasyon niya para lalo siyang magsikap. Sikat na siyang artista ay buong ningning  pa rin nakadispley sa kanyang salas ang comment ng testing director.

“Learn to eat rejection, it will make you stronger.” – Bob Ragland

NATIONAL HOCKEY LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with