^

Punto Mo

EDITORYAL - Baril para sa bumbero

Pang-masa
EDITORYAL - Baril para sa bumbero

MARAMING bayan sa bansa ang wala ni isa mang firetruck kaya kapag nagkasunog, tupok lahat ang ari-arian. O kung mayroon mang firetruck sa bayan, hindi rin makaresponde sapagkat sira o di kaya’y walang tubig. Mayroon namang bayan na may firetruck at kumpleto sa kagamitan pero wala namang kasanayan ang mga bumbero kaya bago makadalo sa sunog, ubos na ang bahay o gusali.

Maraming ganitong problema kaya naman isang batas – Republic Act 11589 (Bureau of Fire Protection Modernization Act) ang nilagdaan ni President Duterte noong Setyembre 10. Sa pagkakalagda ng batas, inaasahang magkakarooon na ng mga fire station sa mga bayan at tiyak na magkakaroon na rin ng bagong kagamitan gaya ng firetrucks at iba pang modernong gamit para pamatay-sunog.

Okey na sana ang modernization act. Wala nang problema kapag nagkasunog. Pero meron pa palang isinamang gamit para sa bumbero na nagdudulot ng agam-agam ngayon. Kabilang ang baril sa mga bagay na binigay sa mga bumbero.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Ano, 29,286 na bumbero ang iisyuhan ng 9mm na baril. Sabi ni Ano, ang pagbibigay ng armas sa mga bumbero ay isa sa mga nais ni President Duterte para raw makatulong ang mga ito sa military at pulic sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.

Ayon naman kay Sen. Ronald dela Rosa, nararapat isyuhan ng baril ang mga bumbero sapagkat nakakaranas ang mga ito ng pananakot mula sa mga residente na apektado ng sunog. Ayon sa senador, kailangang maproteksiyunan ang mga bumbero. Ayon pa kay Dela Rosa, gagastos ang pamahalaan ng P80 milyon sa pagbili ng mga baril na iiisyu sa mga bumbero.

Tila mali ang timing sa pag-aarmas sa mga bumbero. Kung kailan kailangan ang pondo para sa pandemya, saka naging prayoridad ang pagbibigay ng baril. Mahalaga ba ito? Di ba dapat unahin ang kapakanan ng healthcare workers na hanggang ngayon, hindi pa binibigay ang kanilang benepisyo.

Nagdudulot din naman ng agam-agam ang pag-aarmas sapagkat sunud-sunod ang mga pangyayari na namamaril ang mga alagad ng batas kapag nasasangkot sa mga maliliit na bagay. Gaya ng pulis sa Tarlac na namaril ng mag-ina at ng isang lasing na pulis sa QC na bumaril sa isang babae.

Hindi dapat armasan ang mga bumbero.

FIRETRUCK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with