^

Punto Mo

Special Power of Attorney, may bisa pa ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Mapagkakatiwalaan ko ba ang ahente na kausap ko ukol sa lupang balak kong bilhin? Pansin ko kasing isang buwan ng paso ang Special Power of Attorney (SPA) niya. Nang tanungin ko ay ipinaliwanag naman ng ahente na gagawan naman daw siya ng bagong SPA ng may-ari ng lupa. Hirap lang daw silang magkita at magkapirmahan dahil sa pandemic ngayon. —Tim

Dear Tim,

Nakasaad sa Article 1919 ng Civil Code ang anim na paraan kung papaano mawala ang tinatawag na agency o legal na kapangyarihan para kumatawan sa ibang indibidwal:

(1) sa pamamagitan ng pagbawi ng principal na nagbigay ng kapangyarihan;

(2) sa pamamagitan ng pag-urong ng ahente mula sa pagiging agent sa kanyang principal;

(3) kapag ang principal o agent ay namatay, nagkakaroon ng civil interdiction o balakid sa mga karapatang sibil (kada­lasan ay bunsod ito ng pagkakakulong), nawala sa tamang pag-iisip, o nalugi;

(4) sa pamamagitan ng pagkakabuwag ng firm o korporasyon na siyang nagbigay o tumanggap ng nasabing agency;

(5) kapag natupad na ang layunin ng ginawang agency at

(6) kapag natapos na ang panahong ibinigay para sa agency.

Base sa nabanggit, wala nang bisa dapat ang SPA na hawak ng kausap mo kaya hangga’t hindi pa siya nagagawan ng bago ay masasabing hindi siya lehitimong ahente ng may-ari ng lupang­ balak mong bilhin.

Hintayin mo muna na magkaroon siya ng bagong SPA dahil sakaling magkaroon ng gusot, madaling maitatanggi ng may-ari ng lupa ang anumang naging kasunduan niyo ng kausap mo. Matapos kasing mapaso ang kanyang SPA ay hindi na siya maituturing na ahente at wala na siyang kapangyarihang itali ang may-ari ng lupa sa anumang kasunduan.

SPECIAL POWER OF ATTORNEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with