^

Punto Mo

‘Ber month’ na, mga kawatan nandyan na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mula nang magpandemya kung saan iba’t ibang mga quarantine status ang pinairal at pinaiiral sa bansa, nakita naman ang malaking pagbaba sa krimen.

Mistulang maging ang mga masasamang loob eh napigilan sa paglabas. Puwedeng natakot rin sa COVID.

Pero eto na, ngayong papasok na ang ‘ber months’ at nga­yong­ unti-unti nang niluluwagan ang quarantine restriction na gagawin na nga lang granular lockdown at ang pagpapatupad na lang ng Alert Level System, baka maiba na sitwasyon.

Ito ngayon ang pinaghahandaan ng ating kapulisan sa paniwalang muling maglalabasan ang mga kawatan at masasamang loob.

Bilang paghahanda nga ng PNP, nag-utos na si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na mas paigtingin ang police visibility lalo na sa Metro Manila.

Malamang na kasabay sa pagluluwag, ito naman ang ikinatutuwa ng mga kawatan na naghahanda na rin ngayong holiday season.

Matagal na natengga ang mga ito sa kanilang operasyon, dahil nga sa pandemya kaya sabik na sa pagsalakay ang mga ito.

Matagal  na napahinga, siguradong raratsada ang mga ito ngayong holiday season.

Hindi lang sa COVID dapat mag-ingat ang publiko, kundi sa pagsalakay ng mga kawatan.

Pupuwesto ang pulis sa mga matataong lugar partikular sa mga malls, terminals at iba pa na dito, malamang nakapuwesto rin ang masasamang loob at naghihintay ng kanilang bibiktimahin.

Paalala ng inyong Responde,  mas maiging maging mapagmatyag, baka ang kaunti mong pinaghirapan eh tangayin pa ng mga kawatan.

BER MONTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with