^

Punto Mo

Psycho facts

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Ang pagbuka ng bibig habang may ginagawa ay naka­katulong para makapag-focus sa ginagawa. Ito ang dahilan kung bakit hindi sinasadyang bumubuka ang bibig ng mga babae habang nag-aaplay ng mascara.

2. Mas masarap ang sandwich kung ginawa ito ng ibang tao.

3. Kapag strong ang inyong friendship, sa facial expression pa lang ay magkakaintindihan na sila.

4. Kapag tumitingin ang isang tao sa iyong lips habang nag-uusap kayo, ang ibig sabihin noon ay gusto niyang halikan ka.

5. Kailangan ang 3 to 4 years para makilala ang isang tao. Kaya ang magnobyong naghi­hintay ng 5 years pataas bago magpakasal ay maliit ang tsansang magkahiwalay.

6. Kapag ang isang tao ay biglang bumilis ang pagsasalita, ibig sabihin ay may inililihim siya.

7. Mas mainam na ipikit ang mga mata kapag may inaalalang events, nakalimutang pangalan ng isang tao o saan nailagay ang nawalang bagay.

8. Hindi kaplastikang maituturing kung napapakisamahan mo pa rin nang maayos ang isang taong may pangit na ugali. Ang tawag doon ay maturity dahil natitiis at inuunawa mo pa rin siya sa kabila ng kasamaan nito.

9. Hindi natin nakikita ang ating reflection sa kumukulong tubig. Kagaya ng hindi natin nakikita ang katwiran kapag tayo ay nagagalit.

10. Ayon sa paniwala ng mga Japanese, may tatlo raw tayong mukha: 1) ‘yung mukhang inihaharap natin sa buong mundo; 2) ‘yung mukhang ipinapakita lang natin sa close friends and family at ang pinakahuli 3) ‘yung mukhang itinatago natin sa lahat ng tao — ito ang totoo nating kulay at pagkatao.

PSYCHO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with