Bakit walang bitbit na cash ang mga bilyonaryo?
MADALAS matanong si Bill Gates kung magkano ang dinadala niyang cash on daily basis. Bihira siyang magdala ng cash. Kahit wallet ay wala siya. Pero minsan ay natiyempuhan siya ng isang journalist na nag-iinterbyu sa kanya na may wallet siyang dala. Ipinakita ni Bill Gates ang laman ng kanyang wallet — isang malutong na $100 bill.
Hindi siya nagdadala ng cash dahil hindi kailangan. Lagi siyang may kabuntot na mga assistants at aides. Ang mga assistants na ito ang bahala, halimbawa, sa pambayad sa restaurant, in case, na kailanganin ito ng kanilang amo. Isa pa, sabi ni Bill Gates, kung aware ang mga tao na lagi siyang walang cash, walang lalapit sa kanya para manghingi.
Ang isa pang dahilan ng mga super rich na ito kung bakit hindi nila kailangang may cash, whether may kasama silang assistant o wala, ay ang kanilang kasikatan. Halimbawa, kagaya ni Donald Trump noon hindi pa siya Presidente. Hindi siya nagdadala ng cash dahil madalas ay may nagpiprisintang ilibre siya.
Pumapasok pa lang siya sa restaurant, may tatayo na at magsasabing : O, Mr. Trump, sagot ko na ang lahat ng kakainin mo. Or ang mismong may-ari ng restaurant ang magsasabi ng: Mr. Trump, its on me. No charge.
Inamin ni Trump na nagdadala lang siya ng cash hindi para ipambili ng kanyang pangangailangan, kundi, para ipang-PR. Halimbawa, libre ang kanyang kinain sa restaurant pero kailangang bigyan niya ng tip ang mga waiters na nagsilbi sa kanya.
Ang bilyonaryong si Warren Buffet ay may unlimited McDonald’s forever card. Habang buhay siyang may free food sa McDo.
Sabi nga ni John Lennon: Nakakatuwa ang buhay kapag naging sikat at yumaman. Mas dumami ang pera…mas kakaunti ang nagagastos dahil marami ang nanglilibre.
- Latest