^

Punto Mo

‘Mystery object’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Philstar.com

MAY isang magandang prinsesa na ang bawat mahipo ng kanyang kamay ay natutunaw kahit kasingtigas ng bakal. Ito ang labis na ikinalulungkot ng hari dahil lahat ng lalaki sa kaharian ay natatakot manligaw sa prinsesa.

Mahuhusay na wizards at magicians ang sumubok na gumamot sa prinsesa ngunit bigo ang mga ito. Isang magician ang nagsabi na magagamot lang ang prinsesa kung may mahihipo siyang isang bagay na hindi matutunaw ng kanyang kamay.

Pinoproblema ng hari ang kalagayan ng anak. Kung hindi makakapag-asawa ito, paano darami ang kanyang lahi. Naisip niyang magdaos ng paligsahan kung saan ang premyo ng mananalo ay: 1) magiging asawa ng prinsesa, 2) magiging tagapagmana ng trono ng hari 3) pamamanahan ng kayamanan.

Inanyayahan ng hari ang lahat ng binatang prinsipe sa buong mundo. Tatlong prinsipe mula sa magkakaibang bansa ang tumugon sa hamon.

Ang kailangan lang gawin ng sasali sa paligsahan ay makapagprisinta sila ng isang bagay na kapag hinipo ng prinsesa ay hindi matutunaw.

Ang unang prinsipe na humarap sa hari at prinsesa ay may bitbit na metal na yari sa  titanium. Ngunit isang daliri pa lang ng prinsesa ang dumikit dito ay tuluyan na itong natunaw.

Ang pangalawang prinsipe ay may dalang malaking piraso ng diyamante. Sa pagkakaalam ng prinsipe, ito na ang pinakamatigas na bato sa sanlibutan. Ngunit nang hipuin ito ng prinsesa, natunaw itong parang yelo.

Ang ikatlong Prinsipe ay ayaw ilabas ang bagay na ipahihipo niya sa prinsesa. Tawagin na lang daw itong “mystery object” na kakapain lang ng prinsesa sa loob ng bulsa ng pantalon ng prinsipe. Nahindik ang hari. Baka kung anong kabastusan lang ang gagawin ng prinsipe sa kamay ng kanyang anak. Pero naghunos-dili siya. Nakakahiya naman na isiping siya ay may maruming pag-iisip.

Dahan-dahang pinagapang ng prinsesa ang kanyang kamay sa malalim na bulsa ng pantalon. Kinapa niya ito. Pinisil. Parang matigas sa labas ngunit malambot ang loob. Hinawakan niya nang mahigpit ang “mystery object”. Higpit na higpit. Himala ng mga himala. Hindi ito natunaw!

M&M’s lang pala ang ipinakapa. Melt in your mouth, not in your hand. Yes, nanalo ang pangatlong prinsipe at tinanggap niya ang tatlong premyo.

Gumaling ang prinsesa hindi dahil sa M&M’s kundi sa wagas na pag-ibig na inialay ng prinsipe.

PRINSESA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with