^

Punto Mo

’Yang pagtanggap ng pagkakamali

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SINAMAHAN ni Joey ang kanyang lolo sa pabrika ng sapatos upang kuhanin ang ipinasadya nitong sapatos. Ikakasal kasi ang uncle Randy ni Joey kaya nagpagawa ang matanda ng espesyal na sapatos na susuotin sa araw ng kasalan.

Pagdating nila ay may kausap ang shoemaker na isang lala­king kostumer na tila naiinis ang boses nito at may kala­kasan kaya malinaw na naririnig ng mag-lolo ang pag-uusap. Ang pinag-uusapan nila ay ang bagong gawa na sapatos na nasa harapan nilang dalawa.

“Hindi ganyan ang istilo na sinabi ko sa iyo. Ang akala ko ay nagkaintindihan na tayo!” paangil ang boses ng kostumer.

“Pasensiya na po. Igagawa ko kayo ng panibago. Para malinaw ang disenyong gusto mo, mabuti pa ay idrowing ninyo dito sa kartolina.”

Medyo humupa ang sumpong ng kostumer. Napahiya siguro sa pagiging mahinahon at kalmado ng shoemaker.

“Hindi ako marunong mag-drowing, ang mabuti pa ay lilitratuhan ko ang sapatos na gusto kong gayahin mo. Ipapadala ko na lang ang picture sa cell phone mamaya.”

“Sige po at pasensiya ulit sa ginawa kong pagkakamali.”

Umalis na malamig na ang ulo ng kostumer. Tinanggap nito ang paghingi ng paumanhin ng shoemaker. Kabaliktaran ng kostumer kanina, nasiyahan ang lolo ni Joey sa ipinasadyang sapatos. Pagkatapos at tumuloy sa restaurant ang maglolo upang magmeryenda.

Habang hinihintay nila ang inorder na pagkain, narinig nila na nag-excuse ang waiter sa babaeng kostumer na nasa katabi nilang table. Nakaharang ang upuan ng babae. Kailangan nitong umusod para makalapit ang waiter sa isa pang table na pagsisilbihan niya ng pagkaing nasa tray. Puno ng pagkain ang tray na hawak ng waiter.

“Mam, excuse me po. Makikiraan lang po” pakiusap ng waiter.

Pero aligaga ang babae sa pagte-text kaya nang inulit ng waiter ang pakiusap ay nagalit ito at pasigaw na nagsalita, “Ano ba, pang-abala ka, ito lang ba ang daan papunta diyan sa kabilang table? Basta ayokong tumayo.”

Walang nagawa ang waiter kundi umikot nang mas mahabang ikot para wala nang gulo. Napailing si Lolo at nagwika kay Joey sa mahinang boses dahil baka sila marinig ng babaeng mataray.

“Huwag mong kalilimutan ang nasaksihan mo sa pagawaan ng sapatos at senaryong nakita mo dito. Tinanggap ng shoemaker ang kanyang pagkakamali at inihingi niya ito ng tawad. Ang babaeng iyon ay tumanggi na ngang padaanin ang kawawang waiter, sinigawan pa niya ito.

Ang mga taong mahusay sa kanilang trabaho ay hindi nagagalit kung pinupuna ang kanilang pagkakamali dahil alam nilang bahagi lang iyon ng trabaho, at tanggap nilang “no one is perfect’. Ang mga tao namang nagsusungit kahit sa walang kuwentang bagay ay mga taong walang silbi sa mundong ito. Tumatakas sila sa masakit na katotohanang iyon sa pamamagitan ng pang-aapi sa ibang tao.”

 

MISTAKES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with