War planes ng US Air Force, nag-landing sa highway
GUMAWA ng kasaysayan ang United States Air Force kamakailan ng anim sa mga eroplanong pandigma nito ang naglanding sa isang highway sa Michigan.
Apat A-10 Warthog at isang pares ng C-146A Wolfhound special operations transports ang naglanding sa kahabaan ng isang highway sa Alpena, Michigan.
Bahagi ito ng pagsasanay ng US Air Force upang maging handa ang kanilang mga piloto na mag-operate kahit sa mga lugar na walang airport na maaring lapagan ng kanilang mga eroplano.
Sa pamamagitan nito, hindi rin basta-basta mapaparalisa ang US Air Force sakaling puntiryahin ng mga kalaban ang kanilang mga paliparan.
Bilang paghahanda naman sa ginawang pagsasanay ng US Air Force sa Alpena ay kinailangang isara ng limang oras ang highway at nawalan din ng kuryente ang mga kabahayan sa lugar.
- Latest