Kailan dapat maging selfish?
TOMBOY ang isa kong kakilala. Pagkatapos nitong ibigay ang lahat-lahat sa kanyang iniirog na ka-live-in, kasama na ang kinabukasan at savings, iniwan pa rin siya.
Sinabi kong kinabukasan, dahil habang nagsasama sila ng babae, may isang kaibigang Pinay siya na American citizen na gusto siyang isama sa U.S. pero tumanggi siya dahil ayaw niyang iwanan ang iniirog na babae.
Ang irony dito, iniwan siya ng babae para magpakasal sa matandang Pinoy na American citizen. Ngayon, senior citizen na siya, at nag-iisa na sa buhay. Mula sa U.S. humingi ng tulong ang kanyang “ex”. May property pa rin daw dito ang matandang asawa nito pero hindi nababayaran ang amilyar.
Pinakiusapan nito ang dakilang tomboy na ayusin ang utang sa amilyar. Pumayag ang tomboy sa pakiusap ng “ex” pero bago siya kumilos ay nagbigay ako ng aking opinyon:
“Remember, tinitiis mong hindi makapasyal sa SM dahil malabo na ang mata mo at pandinig. Malaki ang utang nila sa amilyar kaya marami ka pang aasikasuhin diyan. Baka akala mo ay iaabot mo lang ang pera at tapos na ang problema. Heto nga, bago mo maintindihan ang sinasabi ko, katakot-takot pang paulit-ulit ang aking pagsasalita dahil hindi mo marinig. Paano ka makikipag-transact sa mga taga-city hall sa kalagayan mong iyan? Marami naman siyang kamag-anak, bakit ikaw ang lagi niyang inuutusan? Kapag ba naratay ka sa banig ng karamdaman, uuwi ba ang babaeng ‘yan para ka alagaan? Maging selfish ka naman this time, tumanggi ka naman paminsan-minsan at mahalin mo muna ang sarili mo.”
“Make yourself a priority once in a while. It’s not selfish. It’s necessary. – Unknown
- Latest