^

Punto Mo

Kapintasan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

PAGKATAPOS ng kasalan, kinausap ng ama ng bride ang kanyang bagong son-in-law nang puso sa puso. Nais ng ama na bigyan ito ng payo upang mapanatili ang pagmamahalan ng bagong kasal habambuhay.

“Kanina, sa simbahan pa lang ay nakikita ko sa iyong mga kilos na mahal na mahal mo ang aking anak.”

“Totoo po ‘yan!”

“At marahil, ang tingin mo ngayon sa kanya ay siya na ang most wonderful person in the world.”

“Opo, sa katunayan ay siya na ang pinakaperpektong babaeng aking nakilala.”

“Ngayong katatapos pa lang ninyong ikasal, ganyan ang iyong pananaw. Pero after few years ng inyong pagsasama, unti-unti mo nang makikita ang mga kahinaan…mga kapintasan sa pagkatao ng aking anak.

“Kapag dumating sa punto na naiinis ka na sa kanya dahil ipinapakita na niya sa iyo ang kanyang mga kapintasan at kahinaan, lagi mong tandaan ang mga pangungusap na iiwan ko sa iyo:

“Hindi totoo ang ilusyon mo na perpekto ang aking anak. Imposible ‘yun. May ka-pintasan din siya at kahinaan. Ito ang dahilan kung bakit napili ka niyang maging asawa. Kung perpekto siya, ang napangasawa sana niya ay isang lalaking nakahihigit sa iyong mga katangian.”

We should always be grateful for the faults in our partner. If they didn’t have those faults from the start, they would have been able to marry someone better than us. – Unknown

BRIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with