^

Punto Mo

Ang kasalanan ni Misis

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG mag-asawang kapwa 85 years old ay magkasamang naaksidente at biglaan ang naging kamatayan. Bago nangyari ang aksidente ay nagdaos pa sila ng ika-60 anibersaryo ng kanilang kasal. Sa langit napapunta ang kanilang kaluluwa.

Kung hindi dahil sa aksidenteng iyon, may pag-asa silang mabuhay hanggang 100 taon o higit pa dahil nanatiling ma­ganda ang kanilang kalusugan sa loob ng huling 10 taon. Resulta ito ng healthy diets at regular na pag-eehersisyo ni Misis na naituro niya sa kanyang mister.

Malugod silang tinanggap ni San Pedro. Dinala sila sa kanilang magiging tirahan sa langit. Mayroon itong malaking bedroom, Jacuzzi bath tub, kusinang kumpleto sa gamit at water bed.

“Magkano po ang magiging renta namin dito?” tanong ng lalaki kay San Pedro.

“Wala. Libre ang tirahan ninyo dito sa langit.”

Kasama pa rin si San Pedro, ang sunod nilang pinuntahan ay isang kahalintulad sa lupa na first class restaurant. Doon ay umorder sila ng Wagyu beef, lobster, salmon steak at napaka­lutong na cochinillo: baby litsong baboy. Pagkakain ay nagtanong muli ang lalaki.

“Magkano naman po ang babayaran ko sa ating nakain?”

“Uulitin ko ang sagot sa iyo kanina, wala kang babayaran dahil dito sa langit, lahat ay libre.”

Bagama’t enjoy na enjoy ang babae sa lahat ng kinain nila, tila ito ay nag-alala kaya’t siya naman ang nagtanong kay San Pedro.

“May pagkain po ba rito na hindi nagpapataas ng cholesterol at blood sugar? Nag-aalala po ako. Naparami ang kinain kong litson, baka po magka-alta presyon ako.”

“Huwag kayong mag-alala. Dito sa langit burado na ang Earthly problems. Ang mga pagkain dito ay hindi nagpapataba at hindi magiging dahilan para kayo magkasakit.”

Biglang nagalit ang lalaki at nagsisigaw. Magkatulong na pinakalma ng babae at ni San Pedro ang lalaki.

“Bakit ka nagagalit?” tanong ng babae.

“Sinisisi kita kung bakit naakit akong sumama sa iyo sa pagkain ng healthy diet at pag-eeher­sisyo. Kasalanan mo ang lahat. Sana ay matagal na tayong naririto sa langit at ini-enjoy ang lahat ng ito kung hindi mo ako pinilit na kumain ng oatmeal na matabang, pinagbawalang kumain ng sisig at processed meat, pinilit kumain ng brown rice na matabang na, matalas pa sa dila ang texture.”

(Kuwentong joke lang po. Baka sakaling mapangiti kayo kahit one second lang).

SOUL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with