^

Punto Mo

EDITORYAL - PHL students kulelat sa Science at Math

Pang-masa
EDITORYAL - PHL students kulelat sa Science at Math

Mahina sa Science, Math at Reading ang mga estudyanteng Pinoy. Ito ang report ng World Bank kamakailan. Ayon sa WB, 80 percent ng mga Pilipinong estudyante ay hindi nakaaabot sa minimum proficiency level.

Ang kahinaan ng mga Pilipinong estudyante ay nakita sa mga isinagawang assessments noong 2018 at 2019. Naki-participate ang Pilipinas sa Program for International Student (PISA) noong 2018 at sa Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) noong 2019. Sumali rin ang bansa sa first cycle ng Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) noong 2019.

Sinabi pa ng WB na may krisis sa edukasyon sa Pilipinas bago pa magsimula ang coronavirus disease noong 2019 at lalong lumala habang nananalasa ang pandemya. Ayon pa sa report, 10 hanggang 22 percent lamang ng mga estudyante sa Grade 4, 5, at 9 ang naka-score ng above minimum proficiency.

Nabahala at naalarma ang Malacañang sa report ng WB. Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pag-aaralan ito ng Department of Education (DepEd). Huwag daw mag-alala sapagkat sinisiyasat na kung ano ang sinasabi ng report at titingnan kung paano mababago ang curriculum. Gagawa raw ng reporma ang DepEd ukol sa nakaaalarmang report. Masusi umano itong pag-aaralan ni DepEd Sec. Leonor Briones. Gagawin ng DepEd ang lahat para mapaunlad ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Nararapat na gumawa ng hakbang ang DepEd sa nangyayaring pagbaba ng kalidad ng edukasyon na nagre-reflect sa mga estudyante. Kailangan ang masusing pag-aanalisa kung saan nagkukulang at umabot sa ganito kahina ang mga estudyante na ang 80 porsiyento ay hindi nakaabot sa minimum proficiency level.

Dahil kaya ang mga guro ay walang kasanayan sa pagtuturo ng Science, Math at Reading? Kung ito ang problema, bakit hindi mag-hire ng mga guro na eksperto sa tatlong nabanggit na subject. Makakaya naman ng DepEd na mag-hire ng mga mahuhusay na guro dahil ito ang may pinakamalaking budget.

Tutukan din naman ng DepEd ang mga textbooks at modules na maraming mali at may malalaswang nilalaman o mga salita. Mgkaroon ng reporma para hindi mangulelat ang mga estudyante.

MATH

READING

WORLD BANK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with