^

Punto Mo

PUVs dagdagan na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

May ilang restriksyon na lamang ang ipinatutupad sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) sa NCR Plus.

Pati nga ang pagsusuot ng face shields sa mga ospital na lamang inirerekomenda.

Ibig lang sabihin, dumarami nang kaluwagan ang nai-patutupad.

Kasabay pa nga ito sa patuloy na pag-arangkada ng mga pagbabakuna.

Unti-unti na rin ang pagbabalik ng negosyo at trabaho ng marami nating kababayan.

Pero sa ngayon ang nagiging problema naman ng maraming manggagawa eh ang kakulangan na sa mga pampublikong sasakyan.

Bagama’t may mga libreng sakay na ibinibigay pa ang pamahalaan tila hindi na kinakaya ang dami ng mga manggagawa na umaasa rito. Hindi rin nakakasapat ang bilang ng mga  pampublikong sasakyan na napayagan nang bumiyahe sa dami nang lumalabas na mga manggagawa, kaya ang siste, kalbaryo ang pagbiyahe ng mga workers.  

Plano ng DOTr na nilang magdagdag ng mula 5% hanggang 10% kapasidad sa mga public transportation.

Sa NCR plus areas, nananatili ang pagpapairal ng 50% capacity sa mga pampublikong sasakyan.

Nabatid na naungkat ang posibleng padaragdag ng public transport capacity matapos na mag-viral ang napakahabang pila ng mga pasahero sa EDSA Bus Carousel Stations.

Ngayon pa lang na limitado pa rin ang ang biyahe ng PUVs, pero nararamdaman na ang ‘normal’ na EDSA. 

Madalas na ramdam na rito ang matinding trapik, katunayan lang na pabalik na nga tayo sa normal.

NCR PLUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with