^

Punto Mo

Dalawang anekdota

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Pagkatapos ayusin ni Albert Einstein ang mga sinulat niya, humingi siya ng paper clip sa kanyang assistant. Sa malas ay isang paper clip na may kalawang ang nakuha ng assistant.

Prof ito lang ang nakita kong paper clip, may kalawang…

Kinuha ni Einstein ang paper clip, kumuha ng papel de liha at saka dahan-dahan kinuskos ang kalawang sa paper clip. Maya-maya ay napasigaw ang assistant:

Prof narito pala sa drawer ang isang box na paper clip!

Pero hindi kumikibo si Einstein at parang “kerid na kerid awey” sa kanyang ginagawang pagpapakinis sa paper clip.

Muling nagsalita ang assistant:

Prof bakit patuloy pa rin ang pagpapakinis mo diyan,, ayaw mo bang gamitin itong bagong paper clip?

Ganito talaga ako, basta’t inumpisahan ko, tatapusin ko  kahit ano pa ang mangyari.

#mandaraya

Si Martin Van Buren ang 8th President ng USA mula 1837 hanggang 1841. Sa sobrang kaiskatan ni Buren, pinakain niya ng alikabok ang kanyang kalaban sa presidential election. Sa isang particular voting precint number 106 sa Viginia, siyam na boto lang ang natanggap ng kalaban ni Buren nang bilangin ang pangkalahatang  mga boto.

Dinaya si Martin Van Buren sa isang voting precint sa Virginia! sigaw ng kanyang mga supporters.

Nanalo na kayo, ano pa ang inirereklamo ninyong nandaya ako ? sagot ng natalong kandidato.

Hindi mo ba alam, may  isang walanghiyang bumoto sa iyo nang siyam na beses sa precint 106!

 

ALBERT EINSTEIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with