15 bagay na dapat tandaan
1. Bago magdasal…maniwala ka muna.
2. Bago magsalita…makinig muna
3. Bago gumastos…maghanapbuhay muna
4. Bago mag-react…mag-isip muna
5. Bago sumuko…sumubok muna
6. Bago mag-jowa…aral muna
7. Bago mag-tweet ng reklamo na ang tagal mo nang nakapila pero wala pa rin umaasikaso sa iyo…tanungin muna ang sarili, humingi ba ako ng schedule bago pumila?
8. Iwasan ang mga taong may ganitong attitude: Nananadya at paulit-ulit na pinagsasalitaan ka ng mga bagay na alam niyang ikasasakit ng kalooban mo. Tapos nag-e-expect na uunahin mo ang pangangailangan niya pero siya mismo ay hindi magawang unahin ka.
9. Kapag ang isang tao ay kulang sa tulog, mas lalo siyang tumatakaw sa matatamis.
10. Lumiliit ang tsansa na magkaroon ka ng brain tumor kung laging makikinig sa music.
11. Ang taong hindi mahilig humingi ng tulong sa ibang tao ay nakaranas ng matinding kabiguan noong kanyang kabataan.
12. Ang isang taong nagkukuwento ng totoong pangyayari ay marami hand gestures. Kapag kasinungalingan, wala kang makikitang gesture.
13. Tumatagal ng 6 hanggang 8 buwan bago maproseso ng ating utak ang pagpapatawad ng 100 percent sa taong nagkasala sa atin.
14. Ang taong mahilig kausapin ang sarili ay senyales ng pagiging matalino.
15. Automatic na hinuhusgahan tayo ng ibang tao sa ating pisikal na anyo. Tapos saka nila titingnan ang uri ng ating pagkatao.
- Latest