Pares ng Japanese melon, naibenta ng 2.7-m yen!
NAIPAGBENTA sa Tokyo sa presyong 2.7 million yen (katumbas ng P1.2 milyon) ang isang pares ng premium Japanese melons.
Bagama’t malaki ang iniangat ng presyo ng mga premium melons ngayong 2021 kumpara noong isang taon na umabot lamang ng 120,000 yen (katumbas ng P53,000) ang winning bid, malayo pa rin ito sa mga mas nakakalulang presyo ng mga nagdaang taon.
Noong 2019 ay naipagbenta ang isang pares ng Yubari melons ng 5 million yen (katumbas ng P2.2 milyon). Sinisi ng mga nagtatanim ng melon ang pandemya noong isang taon kaya wala raw masyadong nag-bid para sa produkto nila.
Ngayong pumalo na muli pataas ang presyo ng winning bid, umaasa silang unti-unti nang bumabalik sa dati ang demand para sa Japanese melons.
- Latest