^

Punto Mo

Ang payo sa mga babae

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

KUNG talagang mahal ka ng isang lalaki, walang makapi-pigil dito para mapalapit sa iyo. Pero kung hindi ka niya kursunada, wala ring makapipigil  para layasan ka.

Huwag mong hangarin na maging magkaibigan kayo pagkatapos maghiwalay gamit ang walang kamatayang dahilan: “For the sake of the children”. Lalo na kung ang dahilan ng hiwalayan ay binusabos ka nang lubos. Remember, “A friend would not mistreat friend.”

Huwag kang papayag na gawin ka lang niyang tau-tauhan at paikutin sa kanyang palad. Minsan kahit maliwanag pa sa sikat ng araw na masama ang inuugali niya sa iyo, kapit-tuko ka pa rin sa inyong relasyon dahil umaasa ka na magbabago rin siya balang araw. Huwag mo nang hintayin pa na kasuklaman mo ang iyong sarili at sabihing: Bakit ba nagpakatanga ako ng matagal sa isang relasyong wala palang pupuntahan?

Iwasang makarelasyon sa lalaking maraming anak sa labas. Kung binuntis niya at iniwan ang ina ng mga anak niya, bakit naman babaguhin pa niya, ang kanyang istilo sa iyo.

Huwag mong ipagtatapat sa kanya ang lahat ng sikreto mo. He will use it against you later.

Huwag mong ipaparamdam na binibigyan mo siya ng importansiya kaysa iyong sarili, na para bang isa siyang diyos na iyong sinasamba. Kahit na mas mataas ang kanyang pinag-aralan at mas maganda ang kanyang trabaho kaysa iyo. He is a man, nothing more, nothing less.

Huwag makipagrelasyon dahil gusto mong mabuo ang iyong pagkatao. Ang relasyong nagtatagumpay ay binubuo ng dalawang tao. Deal with your issues before pursuing a new relationship. Good luck.

Nagmamahal,

Oprah Winfrey

GIRL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with