^

Punto Mo

Opinyon

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAMAMASYAL mag-isa ang hari sakay ng kanyang kabayo. Gusto niyang puntahan ang isang lugar na hindi pa niya nararating. Pero kailangan niyang tawirin ang isang ilog para makarating sa lugar na nais niyang puntahan.

Isang bata ang nakita niyang sumasalok ng tubig sa ilog kaya ito ang tinanong ng hari:

“Bata, tagarito ka ba?”

“Opo.”

“Lagi ka bang umiigib ng tubig sa ilog na ito?”

“Araw-araw po.”

“Sa palagay mo ba, ligtas kami ng aking kabayo na tumawid sa ilog na ito?”

“Opo. Mababaw po ang ilog na ‘yan.”

Agad lumusong sa ilog ang hari sakay ng kabayo. Pero na-realize ng hari  na napakalalim pala ng ilog noong siya ay nasa kalagitnaan na. Muntik na silang malunod. Buti na lang at pareho sila ng kanyang kabayo na magaling lumangoy.

Nang nakaahon na sila sa dalampasigan, pinagalitan ng hari ang bata.

“Manloloko ka! Sabi mo ay mababaw lang, pero saksakan pala ng lalim ang ilog na iyan!”

“Hindi ko kayo niloko nang sabihin kong mababaw ang ilog. Ang alam ko po ay mababaw talaga  dahil nakakatawid ang aking mga bibe sa ilog na iyan nang walang problema kahit maiikli lang ang kanilang mga binti. Kaya naisip ko, kayang-kaya itong tawirin ng inyong kabayo na di hamak na mas mahaba ang binti kumpara sa aking mga bibe.”

If you need advice, get it from people who know what they are talking about.  Opinion is the cheapest commodity on earth. Make sure you review for yourself the opinion of others before you act on them. – Napoleon Hill

OPINYON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with