^

Punto Mo

EDITORYAL - Bakuna ang tanging paraan

Pang-masa
EDITORYAL - Bakuna ang tanging paraan

MATAAS pa rin ang bilang ng mga nagkaka-infection. Kahapon, umabot sa 5,667 ang mga bagong kaso ng COVID-19. May total nang 1,067,892 ang kaso sa bansa. Bagama’t bahagya nang bumaba ang naitatalang kaso bawat araw kumpara sa mga nakaraang linggo na 9,000, hindi ibig sabihin nito ay dapat nang maging kampante ang pamahalaan. Dapat ipagpatuloy ang paghihigpit sa pagpapatupad ng health protocols. Naka-extend hanggang Mayo 15 ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at apat pang lalawigan. Wala pang inaanunsiyo ang pamahalaan kung ano ang status pagkaraan ng Mayo 15.

Ang mga eksperto ang nararapat sangguniin sa bagay na ito. Una nang sinabi ng OCTA Research Group na maaaring tumaas ang kaso kung magluluwag sa community quarantine. May nagsabi na baka matulad sa India ang Pilipinas kapag nagluwag. Marami ang namamatay sa India dahil sa second wave ng virus. Siksikan sa mga ospital doon at nakapila ang mga bangkay para sa cremation. Kinukulang ang supply ng oxygen sa mga ospital kaya sa pagkadesperado ng ilan, nilulusob ang mga tindahan ng oxygen upang maisalba ang buhay ng kaanak.

Kung patuloy ang pagtaas ng kaso, walang ibang paraan kundi i-extend ang MECQ sa Metro Manila at iba pang lugar. Isa rin sa dapat pagsikapan ng pamahalaan ay mabakunahan ang 60 percent ng mamamayan para maabot ang herd community. Kapag naabot ito, dito pa lamang magsisimulang bumangon ang ekonomiya ng bansa. Ang bakuna lang talaga ang magiging susi para magkaroon ng sigla sa ekonomiya.

Sa kasalukuyan, kaunting porsiyento pa lamang ng mamamayan ang nababakunahan. Hindi pa tapos bakunahan ang health workers at senior citizens. Problema rin kasi ang supply ng bakuna. Patak-patak kung dumating.

Kung mayroon sanang sapat na bakuna, maaa-ring maaabot na ang tamang porsiyento para sa herd community. Marami na rin kasi sa mamamayan ang payag magpabakuna hindi katulad noong una.

Pagsikapan ng pamahalaan na makakuha nang sapat na bakuna. Ito ang susi para makabangon ang ekonomiya ng bansa.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with