^

Punto Mo

Pagsasaliksik na ginawa at mga naging resulta (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Noong 1940s, nag-experiment ang Russians scientists na ang layunin ay buhayin ang pugot na ulo ng aso. Nagawa nilang buhayin ang ulo kung saan nagawa nitong mag-react sa liwanag, amoy at tunog. At ang naging bonus sa kanilang experiment na hindi nila inaasahan: Ang ulo ng aso ay nagawang tumahol.

2. Ang “break-ups” ay mas dinaramdam ng mga kalalakihan kaysa kababaihan. Ito ang natuklasan sa pag-aaral na ginawa sa 5, 705 participants mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Nakakadama ng intense pain ang mga kababaihan right after ng break-up. Matagal bago makalimutan ang malungkot na karanasan pero kapag naka-recover, nagiging tuluy-tuloy ang healing. Ang mga kalalakihan ay nakaka-move-on agad pagkatapos ng break-up pero nanatiling “damaged” sa matagal na panahon.

3. Base sa pag-aaral na ginawa ng Harvard Medical School at Brigham and Women Hospital, ang mga kalalakihang nag-e-ejaculate ng higit sa 21 beses kada buwan, nababawasan ng 22 percent ang tsansa niyang magkaroon ng prostate cancer.

4. Nag-survey ang mga researchers kung saan tinanong nila ang 250 bata kung ano ang opinyon nila sa clowns. Lahat ay nagsabing nakakatakot ang clowns at hindi nakakatuwa.

5. Sa pag-aaral na ginawa noong 2012 ng American Sociological Association sa Denver, Colorado mas malakas “bumarik” ang babaeng may-asawa kaysa dalaga pero sa mga kalalakihan, kabaliktaran ang nangyayari. Mas malakas bumarik ang mga binata kaysa may-asawa.  Pero ang diborsiyadong lalaki ay may malaking tsansa na maging lasenggo. *Barik : pag-inom ng alak.

6. Ayon sa pag-aaral ng ginawa ng Oxford University, dalawang kaibigan ang nawawala or nakakahiwalay kapag natutong umibig ang isang tao.

7. Sa 2013 BBC (British Broadcasting Corporation) study, mga 56 percent ng pilots ay nakakatulog habang nagpapalipad ng eroplano, samantala, 29 percent ang nagigising at nasosorpresa na tulog din ang kanyang co-pilot.

SCIENTISTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with