^

Punto Mo

May dalawang magnanakaw

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Ang patay-gutom

Kumain muna bago mangholdap ng banko. Ito ang leksiyon na natutuhan ni Yakiharu Akamine, 39 taong gulang, ang nagtangkang mangholdap ng Tokyo Unity Bank na nasa Itabashi-ku.

Isang buwan nang walang solid food na kinakain si Yakiharu. Nabubuhay lang siya sa tubig dahil naubos ang kanyang pera sa sugal. Bitbit ang isang kitchen knife, lakas-loob niyang pinasok  ang banko. Lumapit siya sa teller pero pagkasabi ng “Holdap ito!” ay bigla siyang hinimatay dahil sa sobrang gutom.

Pagkaaresto sa kanya ng mga pulis ay pinakain muna siya ng isang masaganang hapunan bago ipasok sa kulungan. Sa halip na masuklam sa ginawang krimen, awang-awa ang mga pulis kay Yakiharu dahil payat na payat at maputla pa ito sa bangkay.

2. Ang masiba sa pagkain

Propesyunal siyang akyat-bahay. Naobserbahan niyang umalis ang mag-anak at mukhang matatagalan itong bumalik dahil nakita niyang tig-iisang maleta ang bitbit ng mga ito. Mukhang magbabakasyon sa ibang bansa. Pagkaalis na pagkaalis ng pamilya ay pinasok niya ang magandang bahay.

Kapag natiyak niyang magtatagal na walang tao ang bahay, ang una muna niyang ginagawa ay bisitahin ang refrigerator nito. Brownies at malamig na inuming nasa pitsel ang unang pagkain na bumungad sa kanya. Naubos niya ang isang tray na brownies at isang pitsel na inumin. Nahiga muna siya sa sofa. Magrerelaks muna siya bago ubusin ang mahahalagang gamit sa bahay na iyon. Hindi niya namalayan ay nakatulog siya. Pero ginising siya ng humihilab niyang tiyan.

Tumakbo siya sa toilet. Habang inilalabas niya ang mga kinain ay nakadama siya ng ma-tinding kirot ng tiyan. ‘Yun bang parang pinipiga ang kanyang bituka. Ano kayang mayroon sa brownies na kinain niya para magtae siya nang bonggang-bongga. Naitanong niya sa sarili.

Habang napupugto ang kanyang hininga sa pag-ire at paghilab ng tiyan, narinig niyang may dumating na sasakyan sa tapat ng bahay. Huli na para siya ay tumakbo dahil walang bintanang lalabasan sa toilet. Isa pa, napakasakit ng kanyang tiyan at nanlalambot siya sa sunud-sunod na pagdumi. Susuko na lang siya at magpapakulong.

Sa presinto, nakiusap siya sa mga pulis na painumin muna siya ng gamot sa pagtatae dahil pupugak-pugak pa ang kanyang puwet na tila gusto pang maglabas ng sama ng loob. At napapaiyak na siya sa sakit ng kanyang tiyan.

Ang pamilyang may-ari ng bahay ay magbabakasyon sana sa ibang bansa ngunit hindi natuloy dahil isinara ang airport. Ang pangyayari ay resulta ng pagputok ng bulkang taal. Ang brownies at tsaa ay may sangkap na nakakapagpadumi. Kinakain ito ng isang miyembro ng pamilya na mataba at gustong magbawas ng timbang. Unti-unti lang dapat ang pagkain at pag-inom ng mga nabanggit pero inupakan ito nang todo ng magnanakaw. Katakawan ang nagpahamak sa kanya.

THIEF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with