Turista, nakasira ng 200-year old sculpture sa isang museum sa italy dahil sa pagsi-selfie!
ISANG 50-anyos na turista ang nakasira ng isang 19th-century sculpture matapos niya itong upuan at mag-selfie rito.
Ang 200 taong gulang na rebulto ay nililok ng Italian artist na si Antonio Canova at naka-display sa Museo Antonio Canova sa Possagno, Italy.
Si Canova ay tanyag sa paglikha ng mga sculptures na gawa sa marmol. Siya ay nabuhay noong 1752 hanggang 1822.
Ayon sa isang local news agency sa Possagno, ang turistang lalaki na nakasira sa sculpture ay isang Austrian at kasama niya ang kanyang asawa nang sila ay bumisita sa museo.
Habang nagsi-selfie ang turistang lalaki, inupuan niya ang bahagi ng sculpture na naging dahilan para masira ang tatlong daliri sa paa ng rebulto.
Napag-alaman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng turista matapos nilang ma-trace ito sa contact tracing form na pinasasagutan sa entrance ng museum.
Nang matagpuan sa isang hotel ang mag-asawang turista na nakasira sa sculpture, umamin agad ang mister sa kanyang pagkakamali at nag-alok na babayaran ang nasira sa bahagi ng rebulto.
Sa kasalukuyan, pinag-aaralan pa ng mga opisyal sa Possagno, Italy kung idedemanda ang turista.
Ayon naman sa mga opisyal ng museo, malaki ang posibilidad na singilin nila ang lalaki sa restoration ng nasirang sculpture.
- Latest