^

Punto Mo

Mabagal ba ang inyong computer?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

KARANIWANG bumabagal ang mga computer habang tumatagal at naluluma at hindi maiiwasang masira sa pagdaan ng mahabang panahon.

Pero, ayon sa mga eksperto sa teknolohiyang ito, maaaring mapahaba pa ang buhay ng computer sa pamamagitan ng pagbabawas sa mga epekto ng pagtanda nito. Nakakatulong ang ilang regular maintenance para manatiling maayos ang computer.

Laging tingnan ang mga nakakabit na mga program dito. May mga program na hindi habang panahon na dapat nasa loob ng iyong hard drive disk. Ang mga program o apps na dapat lang nasa computer ay iyong mga madalas mong ginagamit kaya tanggalin ang   iba. Sa Windows, buksan ang setting sa start menu  ng computer, iklik ang tab sa apps/feature at repasuhin ang mga nakalagay na program at suriin kung alin sa mga ito ang dapat manatili o matanggal bago pindutin ang Uninstall.

Maaari namang mai-download at mai-reinstall ang isang program kapag nagbago ang inyong isip. Sa macOS, buksan ang Applications tab sa finder, hilahin ang app papunta sa trash icon sa dock.

Isang nakakapagpabagal sa computer ang sobrang dami ng files o program na nakalagay dito na nagpapasikip na sa hard disk. Kapag merong tinatanggal na program, bahagyang lumuluwag ang hard drive. Nadadagdagan ang free space nito.

Kung magagawa, tiyakin na meron man lang 20% free space dito. Sa File explorer sa Windows, iklik ang This PC sa kaliwa para makita kung gaano na lang ang natitirang space sa local drive. Sa macOS,  buksan ang file menu at piliin ang About This Mac bago buksan ang Storage tab. Tanggalin ang mga file mula sa old document hanggang installation packages.

Ikonsidera rin na ilipat sa ibang external hard drive tulad ng USB flash drive ang mga file na hindi laging ginagamit o binubuksan. Tiyakin lang na meron kang dalawang kopya ng mga mahahalagang file para meron kang backup.

Kapag nakabukas ang computer, merong mga program na patuloy na umaandar kahit hindi ginagamit. Mas maraming  tumatakbong apps, bumabagal ang computer. Para makita kung anong apps ito, sa Windows, i-right-click ang blankong bahagi ng taskbard at piliin ang Task Manager bago ang More details. Sa macOS, gamitin ang Spotlight, itipa ang Cmd + Space at launch Activity monitor. Kung merong apps na wala dapat sa listahan, buksan ito at tignan kung merong setting na maaaring i-disable para hindi na awtomatikong makaandar ito.

Mainam din na laging up to date ang Windows at macOS. Sa Microsoft at Apple, makakatiyak na makakakuha ka ng latest version ng iyong operating system sa pamamagitan ng Update and Security sa Windows setting o Software Update sa macOS System Preferences.

Makakabuti ring regular na inire-reset ang computer at ibalik ito sa factory fresh state. Marami ang mawawala kaya Kailangan lang meron kang backup copies  ng lahat ng iyong files at ikabit muli kinalaunan ang mga program na mawawala. Pero, sa full reset, malilinis ang mga redundant date, babalik ang mga program sa kanilang original state at matatanggal ang mga bloat at clutter sa computer.

Sa iyong Windows computer, pumunta sa Update & Security bago buksan ang Recovery. Meron namang mga full instruction ang Microsoft para rito.  Ang Apple ay merong kumpletong guide na tutulong sa iyo sa prosesong ito na nagsisimula sa rebooting ng iyong Mac habang pinipindot ang CMD+R bago  paandarin ang Disk Utility mula sa lilitaw na listahan.

Email: [email protected]

vuukle comment

COMPUTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with