10 simple tips and tricks
1. Hintayin munang matapos ang 24 oras bago magalit at gumawa ng aksiyon. Kung natiis mong magpigil ng galit sa loob ng 24 oras, indikasyon lang iyon na walang kuwenta ang ikinagagalit mo.
2. Kapag nasa party, mas magmumukha kang confident kung hahawakan mo ang wine glass, ka-level ng pusod mo.
3. Magmumukha kang attractive and intelligent kung itatagilid mo nang bahagya ang iyong ulo sa bandang kanan kapag nagpapakuha ng litrato.
4. Six Simple Health Tips:
• Kung iinom ng gamot, room temperature lang ang iinuming tubig.
• Huwag kumain ng big meal pagkaraan ng 5 pm.
• Sa umaga uminom ng maraming tubig.
• Ang best sleeping time ay mula 10 pm hanggang 4 am.
• Huwag hihiga pagkatapos kumain.
• Kapag sasagot sa tawag, sa kaliwang tenga ilagay ang telepono.
5. Hindi sa lahat ng panahon ay mapagkakatiwalaan ang iyong paningin. Ang pinong asin ay mukhang asukal sa biglang tingin. Suriing mabuti ang isang bagay bago ka bumuo ng konklusyon.
6. Mas tumatagal ang init ng kape (28 percent longer) kung ito ay may coffee creamer.
7. Ang pag-iisip ng problema ay kahalintulad ng pag-upo sa tumba-tumba. Feeling busy, pero walang nararating.
8. Base sa pag-aaral na ginawa sa U.S.,kapag bestfriend ang iyong pinakasalan, tumataas ang tsansa na forever na ang pagsasama ng dalawa. Mga 30 percent na lang ang tsansa ng divorce.
9. Base sa scientific study, ang ating utak ay nagsisimulang gumana para unawain ang mga itinuturo tuwing 10 am. Kaya ang konklusyon ng mga scientist, masyadong maaga ang pagpasok ng mga bata sa school.
10. Isang gabing ibalot ng ina sa kanyang katawan ang blanket na ipinagagamit sa bagong silang niyang sanggol. Kinabukasan, iyon ang ikumot kay baby. Mahihimbing siya dahil nakadikit na sa blanket ang amoy ng kanyang ina.
- Latest