Ang sumpa ng Superman
ANG Superman na unang lumabas sa komiks ay ginawang palabas sa telebisyon para sa mga bata noong 1952 hanggang 1958. May pamagat itong Adventures of Superman. Ang gumanap na Superman ay si George Reeves. Una siyang napanood sa Gone With the Wind na may minor role. Guwapo naman siya at hunk pero pulos B movies lang ang kanyang mga ginagawa. Hindi nakatulong ang pagiging Superman niya sa telebisyon. Ang B movie ay low-budget commercial motion picture na mas mababa ang kalidad kaysa mainstream movies.
Tila ba hindi na siya makaahon sa pagiging B-list actor at dahil sa pagkabigo sa kanyang career, nalulong siya sa masasamang bisyo at masasamang barkada. Ito ang pinaghihinalaang dahilan kung bakit noong June 16, 1959, ang kanyang walang buhay na katawan na may tama ng bala sa ulo ay natagpuang nakahandusay sa kalye. Hindi na nabigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay.
Naging isang malaking katanungan kung Sino ang Pumatay kay Superman. Sa kasamaang palad, walang naging kasagutan ang katanungan hanggang sa nakalimutan na ang krimeng naganap. Ito kaya ang simula ng sinasabing sumpa ng Superman?
Pagkatapos gumanap ni Christopher Reeve bilang super hero mula sa pinakaunang Superman hanggang ikaapat na sequel, siya ay aksidenteng nahulog habang nangangabayo at naging paralisado hanggang sa bawian ng buhay noong 2004.
Hindi lang mga gumanap na Superman ang minalas na tamaan ng sumpa kundi pati ang kanyang co-star na si Marlon Brando. Pagkatapos ng Superman, nag-dive pababa ang career nito, nagkaroon siya nang matinding family problem. Nawalan na ito ng ganang alagaan ang kanyang physical appearance at hinayaang lumobo nang todo ang katawan.
Si Margot Kidder na gumanap na Lois Lane, ang girlfriend ni Superman ay naparalisado dahil sa car accident.
Ang isa pang co-star sa Superman III na si Richard Pryor ay nagkaroon ng multiple sclerosis kaya nakakagalaw lang siya sakay ng kanyang power-operated mobility scooter.
Ang batang gumanap bilang baby superman ay aksidenteng nakalanghap ng air freshener direkta mula sa lata na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Ang original creators ng comic book superhero na sina Jerry Siegel at Joe Shuster ay nadaya sa “rights” ng kanilang obra. Namatay silang nakikipaglaban sa korte upang kilalanin ang kanilang pagiging creator ng Superman at bahaginan man lang sila sa bilyun-bilyong kinita ng pelikula. Ngunit nabigo sila at kahit isang kusing ay wala silang napala. Kahit sila ay tinamaan ng kamalasang nakakulapol sa Superman.
- Latest