^

Punto Mo

Ano ang mainam gawin?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Kung makati ang lalamunan, kamutin ang iyong taynga. Kapag nagalaw ang nerves ng taynga, lumilikha ito ng paghilab ng muscle sa lalamunan kaya titigil ang pangangati.

2. Kung nasa maingay na lugar, halimbawa, party at nais mong marinig na mabuti ang sinasabi ng iyong kausap: Ilapit mo ang iyong kanang taynga sa direksiyon ng iyong kausap. Ang kanang taynga ay magaling humabol sa mabilis ng rhythm ng speech. Ang kaliwang taynga naman ay magaling sa pagkuha ng music tone.

3. Para pigilin ang pag-ihi sa panahong walang toilet na available. Mag-sex fantasy ka. Kapag okupado ng pagpapantasya ang iyong utak, makakalimutan mo sandali na ihing-ihi ka na.

4. Kapag hindi makahinga dahil sa sipon. Idikit ang dila sa ngala-ngala. Habang ginagawa mo ito, isabay mo rin ang pagdiin ng iyong hintuturo sa pagitan ng dalawang eyebrows. Diinan ito back and forth  ng 20 seconds. Ang sipon na naiipon sa nasal passages ay magagalaw at lalabas sa ilong.

5. Ninenerbiyos. Hipan nang paulit-ulit ang iyong hinlalaki. Nakakabawas ito ng kaba at nagpapakalma ng kalooban.

 6. Masakit ang ngipin. Kumuha ng yelo at ihagod ito sa ibabaw ng kamay – sa laman na nasa pagitan ng hinlalaki at hintuturo. Naroon ang nerve pathway patungo sa utak. Makakatulong ang yelo upang mapigilan ang “pain signal” na makaabot sa utak. Kung mangyayari ito, hindi makakarating sa utak ang signal na sumasakit ang ngipin. Walang signal, walang sakit.

7. Kung may sinasaulong speech o dialogue sa play. Ilang minuto bago matulog, basahing mabuti ang speech o dialogue, saka matulog. Ang resulta ng ganitong istilo ay long-term memory. Anumang binasa bago matulog ay matagal mananatili sa memorya.

8. Sumakit ang ulo matapos kumain ng ice cream o sipsipin ang slurpee. Itulak ang iyong dila sa ngala-ngala. Mas matindi ang pressure ng dila sa ngala-ngala, mas mabilis matatanggal ang brain freeze.

9. Bumangga ang iyong siko sa matigas na bagay o ang buto ng iyong lulod ay tumama sa matigas na bagay. Magmura para mabawasan ang sakit.

Kung nahihilo pagkatapos uminom ng alak. Humawak sa matigas at matatag na istruktura kagaya ng stair railing, poste sa bahay. Nakakatulong ito para magkaroon ng balanse.

THROAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with