^

Punto Mo

Ang tigre at ang 3 kulig

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SA isang zoo sa Amerika, pinuproblema ng mga zoologists ang isang tigre na naagasan o nalaglagan ng mga anak. Simula noon, lagi itong nakahiga at bihirang bumangon. Bahagya niyang binabawasan ang kanyang pagkain.

Na-diagnosed ng mga zoologist na depresyon ang dahilan ng pagbabago ng tigre. Para itong tao na sobrang nagdadalamhati sa pagkawala ng kanyang mga anak. Pinag-isipan ng mga zoologist kung ano ang dapat gawin bago mamatay ang tigre sa hindi pagkain nito.

Lumipas ang ilang araw, isang bright idea ang pinagplanuhan ng mga zoologist. Kumuha sila ng tatlong bagong silang na mga kulig. Ang katawan ng mga kulig ay binalot nila ng telang may tiger-print. Inihiga nila ang mga kulig sa tapat ng dede ng nakahigang tigre. Gumalaw ang mga kulig, naroon ang instinct na hanapin ng mga ito ang utong na pagmumulan ng gatas na kailangan nila.

Hinihintay ng mga zoologist na mag-react ang tigre. Baka kasi manibago ito na may gumagalaw sa kanyang mga utong. Pero wala siyang reaksiyon. Tila nakikiramdam lang ito sa mga nangyayari. Hinayaan lang niya na sumuso ang mga kulig. Dahil sa nawawalang gatas sa kanya, nakaramdam ang tigre ng gutom. Nagsimula na itong bumangon at ubusin ang pagkain niya.

Kinakitaan ng pagmamahal sa mga kulig ang tigre. Buong akala niya ay kanyang mga anak ang kulig. Kung minsan ay isa-isa niyang dinidilaan ang mga kulig. Bumalik ang sigla ng tigre at muling sumigla ang pangangatawan. Nagtagumpay ang mga zoologist sa kanilang naisip na paraan. Sa kasalukuyan ay pinag-iisipan nila kung ano ang gagawin nila kapag naging baboy na ang mga kulig at ang irit ng mga ito ay nakakatulig na.

Samantala, may buntis na tigre sa isang kulungan na malapit nang manganak. Kapag na-nganak na ito, doon ililipat ang tigreng nagpapasuso sa mga kulig kapag lumaki ang mga ito at halata nang mga baboy.

 

TIGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with