^

Punto Mo

Poor, hungry but determined!

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SI Richard Montanez, isinilang noong 1958, ay mula sa mahirap na pamilya ng mga Latino sa North America. Hindi siya nakatapos ng high school kaya noong 1976, nagtrabaho siya bilang janitor sa pabrika ng Frito-Lay, kompanyang gumagawa ng sitsirya na kagaya ng potato/corn meal chips at cheese curls.

Minsan, habang naglalakad ay nakakita siya ng nagtitinda ng nilagang mais. Nilagyan ng tindero ang mais ng cheese at binudburan ng chilli powder. Bumili siya para subukan ang lasa. Masarap pala ang kombinasyon ng cheese at chilli.

Sinubukan niyang lagyan ng cheese at chilli ang cornmeal chips na ginagawa ng kanilang kompanya. Ang cornmeal chips na ginagawa nila ay asin lang ang nagbibigay ng lasa. Binudburan niya ito ng cheese at chilli powder. Ipinatikim sa mga kasamahan. Naging big hit ang imbensiyon niya.

Lakas loob niyang iprinisinta ang kanyang imbensiyon sa presidente ng kompanya na hindi naman nagdamot ng kanyang panahon para bigyan ng importansiya ang kanilang janitor. Nagustuhan ng Big Boss at iba pang executives ang lasa ng tinimpla ni Montanez. Isinilang noong 1981 ang nakatakdang magiging best-selling brand ng kompanya, ang Flamin’ Hot Cheetos.

Kahit hindi nakatapos ng kolehiyo, umakyat ang career ni Montanez. Sa kasalukuyan, siya ay Executive Vice President of Multicultural Sales and Community Activation for Pepsico North America.

Ayon sa mga nakakakilala sa kanya, wala man siyang formal education sa kolehiyo, ang kanyang kaalaman ay katumbas na ng PhD. At sasagutin iyon ni Montanez: “Oo, may PhD ako na taglay ko kahit noong bata pa —Poor, hungry but Determined”.

 

CHEESE CURLS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with