^

Punto Mo

Teenage pregnancies, isa nang national emergency

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

MAY isa pa tayong national social emergency na kung hindi mahahadlangan ay magreresulta sa sala-salabat na problemang panlipunan — ito’y ang patuloy na tumataas na kaso ng teenage pregnancies o mga menor de edad na nabubuntis at nanganganak. 

Ayon sa Population Commission, nagsimula ang pagtaas ng kaso noong 2011. Isa sa bawat 10 nanganganak sa Pilipinas ngayon ay menor de edad.  Noong 2019, naiulat na 2,411 mga babaing edad 10 hanggang 14 ang nanganak o average na pitong panganganak araw-araw. Ang pinakamataas na insidente ay nangyari sa Calabarzon, Metro Manila at Central Luzon. May prediksyon ang UP Population Institute na ang taong ito’y magiging “Baby Boom” dahil sa  “nadisgrasyang” pagbubuntis ng 751,000 kababaehan dala ng mahabang lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Idineklara ng NEDA ang sitwasyon na isa nang national emergency. Si Senator Nancy Binay naman ay naghain ng resolusyon para sa isang Senate inquiry tungkol sa problema para makabalangkas ng mga bagong batas, patakaran at programa na hahadlang sa teenage pregnancies.

Ayon sa UN Population Fund, ang teenage pregnancy ay isa sa pangunahing dahilan ng kamatayan ng isang menor de edad. Bukod dito, nawawala sa kanya ang oportunidad na makatapos ng pag-aaral at makapagtrabaho sa hinaharap na panahon. Ang isang menor-de-edad na nagbuntis at nanganak ay karaniwang dumaranas ng panlalait ng lipunan at nakukulong sa tinatawag na “vicious cycle of poverty.”

Ano ang dahilan ng patuloy na pagtaaas ng teenage pregnancies dito sa atin? Ayon sa mga eksperto, ang pangunahing dahilan ay kakulangan ng proper sex education, improper exposure to social media, at kawalan ng access sa artificial birth control. Itong huli ay mahigpit na tinututulan ng Catholic Church sa katwirang kontra ito sa buhay at kulturang Pilipino. Ang populasyon ng Pilipinas ay tinatayang aabot na sa 110, 881,756 sa taong ito. Tayo’y pang-13 sa may pinakamalaking populasyon sa buong mundo.

Para sa akin, sa tahanan magsisimula ang lahat. Ang tahanan ang una nating eskuwelahan. Dito natin natututuhan ang lahat ng pangunahing kaalaman. Ito ang humuhubog sa pundasyon ng ating pagkatao. Dito, ang tagapagturo at modelo ng mataas na moralidad ay ang mga magulang. Ang “parenting” ang pinakamaselang responsibilidad na maaaring gampanan ng bawat tao. Ang irony, hindi ito itinuturo sa eskuwelahan. Ito’y natututuhan lamang sa University of Hardknocks. Wika sa Kawikaan 22:6, “Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran. At hanggang sa paglaki’y di niya ito malilimutan.” Paano kung walang paghuhugutan ang mga magulang para may maituro sa mga anak?

Ang batang babaing nakaranas ng lubos na pagmamahal at paggalang ng mga magulang ay mahihirapang maimpluwensiyahan ng mababang moralidad.  Hindi niya hahanapin ang kaligayahan sa ibang lugar, sapagkat natatagpuan naman niya iyon sa sariling tahanan. Hindi niya basta-basta ipagpapalit ang kanyang dangal bilang babae sa pansamantalang kaligayahan.

Isa na ngang national emergency ang teenage pregnancies. Kinakailangan nang seryosong harapin ito ng gobyerno, ng pamilya, ng eskuwelahan, at maging ng simbahan. Maaaring hindi nga ito nangangailangan ng mabilisang pagkilos na tulad ng tugon natin sa COVID-19 pandemic.  Ngunit ang matagalang epekto nito’y sisira sa tinatawag na “moral fabric” ng lipunan. Ang pagkilos natin ngayon ang magsasalba sa susunod na henerasyon!

TEENAGE PREGNANCIES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with