^

Punto Mo

Ang piping pulubi

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG babaing mataba na may hawak na plastic cup  ang naglilibot sa palengkeng pinamimilihan ko ang nakatawag ng pansin sa akin isang umaga. Namamalimos ang babae at doon sa plastic cup na hawak inilalagay ang baryang ibinibigay sa kanya. Habang hinihintay ko ang aking inorder na tilapia (kina­kalis­kisan muna ito at inaalisan ng bituka) ay sinundan ko ng tingin ang babae dahil hindi naman siya lumalayo mula sa kina­tatayuan ko.

Ang babae ay nasa pagitan ng 33 to 40 years old, mataba (ang isang legs niya ay puwedeng maging katawan ng malusog na dalawang taong bata), malinis ang suot na damit, nakakuwintas sa kanyang leeg ang isang karton (3 inches x 6 inches) na may nakasulat na mensahe gamit ang black pentel pen. Hindi ko nabasa nang kumpleto pero nasulyapan kong nakasulat ang pangalan ng babae sa karton at nagsasabing siya ay humihingi ng limos sa may magagandang kalooban.

Napansin ng tindero na aliw na aliw ako sa panoood sa babaeng mataba habang busy ito sa pamamalimos. Napangiti ang tindero sa akin na parang nahuhulaan niya ang iniisip ko tungkol sa matabang babae.

“Hindi siya mukhang pulubi, ano?” sabi ko sa tindero.

“Ate, hindi talaga siya pulubi. Dati ‘yan nagtitinda ng plastic bag at mga gulay dito. Minsan ay sinubukang magpalimos. Maraming naawa kaya  maraming kinita. Simula noon ay tumigil na siya sa pagtitinda at ganyan na lang ang ginagawa araw-araw.”

Tinanong ko kung bakit may mensahe pa siyang nakasulat sa karton. Maikli raw ang dila kaya mabagal at pautal-utal magsalita. Maya-maya ay lumapit ang babae sa akin—inilapit ang hawak na plastic cup sa aking harapan. Umiling ako. Tatalikod na sana pero biniro ng tindero ang babae: “Huwag ka nang mamalimos, maglabada ka na lang. Ang laki-laki ng katawan mo!”

Nagtawa ang matabang babae. Pautal na nagsalita, “Hindi puwede…pipi ako ‘noh!”

Ako naman ang napatawa. Sigaw ng utak ko: “Hoy hindi dila ang ginagamit sa pagkukusot ng damit ‘noh!”

(Note: Nangyari ito noong wala pang pandemya.)

MUTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with