^

Punto Mo

Wallet na nawala sa Antarctica, naibalik sa may-ari matapos ang 53 taon!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

LAKING gulat ng isang lalaki sa California nang mapasakanya muli ang wallet na naiwala niya 53 taon nang siya ay nagtatrabaho pa sa Antarctica.

Ayon kay Paul Grisham ng San Diego California, hindi na niya maalala kung paano niya naiwala ang wallet noong siya ay nagsisilbi pa bilang meteorologist sa U.S. Navy sa Antarctica no­ong October 1967 ngunit si­gurado siyang sa kanya ang wallet.

Natagpuan ang wallet ma­tapos i-demolish ang isang building sa McMurdo Station, ang pinakatimog na bayan sa daigdig.

Nagawang mapasakamay muli ni Grisham ang kanyang wallet matapos makipag-ug­nayan ang mga nag-demo-lish sa building sa US Naval Weather Service Association, isang grupo ng mga kasalukuyang tauhan at dating nag­lingkod sa US Navy kung saan kabilang si Grisham.

Ayon kay Grisham, nakapaloob pa rin sa wallet ang kanyang US Navy ID, dri-ver’s license, isang recipe, at pati na rin ang kanyang punch card para sa rasyon niya noon ng beer.

 

 

ANTARCTICA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with