Road clearing operations ng LGUs, magtagumpay kaya?
Dahil na rin sa ginagawang paghahanda ng mga local government units (LGUs) sa nalalapit na pagsisimula nang pagbabakuna sa COVID-19 sa kanilang mga lokalidad, kung kaya muling ipinagpaliban ng DILG ang ibinigay nilang deadline sa Road Clearing Operations (RCO).
Inextend ng DILG ang deadline para sa RCO 2.0 hanggang Pebrero 15,2021.
Ang validation ng LGU compliance ay inisyal na itinakda sa Peb. 16.
Pero may paalala ang DILG, na nagsabing ito na ang huling ekstensyon na ibibigay ng nasabing tanggapan.
Ngayon pa lamang inaaraw -araw na rin ng mga LGUs ang kanilang paglilinis sa mga sagabal sa daan, alinsunod naman ito sa utos mismo ni Pangulong Digong na ibalik sa publiko ang mga lansangan.
Papapanagutin ng DILG ang LGUs na hindi makakatugon dito.
Pero ang klasik dito, aba’y talaga namang kapag nag-operate eh talagang malinis, ang siste pag-alis ng mga awtoridad balikan uli ang mga nagiging sagabal sa daan.
Karamihan nga rito eh sidewalk vendors at yaong mga pasaway na ilegal na nagpa-park sa mga daanan.
Yung mga vendor eh talagang makikipagsaparalan yan dahil dyan sila kumukuha ng kanilang pangkabuhayan.
Kaya nga ang dapat siguro rito mabigyan sila ng lugar na kanilang magpatitindahan at hindi yung nakikipag-patentero sila sa mga awtoridad kapag naghuhulihan.
Dapat ding mabigyan marahil ng mas matinding aksyon eh yung mga pasaway na may-ari ng mga sasakyan na inangkin nang parking ang mga lansangan.
Matagal ng problema ito, meron pa ngang mga abusado na nilagyan pa ng reserve ang bahagi ng kalsada sa tapat ng kanilang bahay.
Ito ang makakapal.
May ilang street naman na nagpapatupad pa ng one sided parking na pinapayagan din ng barangay.
Kinukunsiti kaya nagiging abuso, yan ang problema dyan.
Magkakaalaman ngayon kung sio ang makakatugon sa programang ito at kung sino ang nagwalang bahala na dapat ding papanagutin.
- Latest