^

Punto Mo

Life pro tips

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Kung late sa isang meeting, huwag nang mag-imbento pa ng kung ano-anong dahilan. Mag-sorry at amining late ka na nang umalis sa iyong bahay. Nakakaasar na ang pagiging late mo, dadagdagan mo pa ng mga palusot, kaya lalo lamang magiging “masama kang tao” sa mga ka-meeting mo.

2. Pag-aralang mabuti ang ugali ng mga taong mahilig magmanipula at mambola ng kapwa para halata mo kaagad na pinapaikot ka na pala ng iyong kausap.

3. Nakikipagtalo ka sa ibang tao dahil may gusto kang patunayan. Huwag makipagtalo sa mga taong hindi importante sa iyong buhay dahil wala kang dapat patunayan sa kanila.

4. Huwag matakot na mawalan ng barkada. Matakot ka na mawala ang iyong tunay na pagkatao dahil gusto mo lang silang bigyang kasiyahan kahit na labag sa iyong kalooban ang iyong ginagawa

5. Huwag bilhin ang oven gloves, sa halip ay bumili ng welder gloves na nabibili sa hardware. Mas matibay ito sa init at hindi agad nasisira.

6. Hindi masamang balikan ang nakaraan kahit gaano kapangit ang tsapter na ito ng iyong buhay. Pero daanan mo lang ito at huwag tatambayan.

7. Kapag kayo ay nagkahiwalay ng iyong aso sa isang lugar na hindi ito pamilyar, mag-iwan ka ng iyong damit or blanket na pamilyar sa kanyang pang-amoy. Iwanan mo ito sa buong magdamag. Kapag nakita ito ng aso, hihigaan niya ito at hindi na siya aalis hanggang sa magkita na kayo.

8. Ang tip na ito ay applicable sa nakatira malapit (walking distance) sa kanyang workplace. Sa panahon ng bagyo at walang pasok sa opisina, huwag sasagutin ang tawag mula sa mga kasama sa iyong department. Malamang may iuutos ito sa iyo na kailangan mong puntahan ang inyong opisina. Sasagutin mo lang kung si Bossing na ang tumatawag sa iyo.

9. Kapag magsa-sign up ka sa online, gamitin mong middle name ang pangalan ng website para kapag nakatanggap ka ng spam/advert email, alam mo na kung sino ang nagbenta ng iyong email address.

10. Kung may kasama ka sa walking, jogging, hiking, running na mas mahina ang health kaysa iyo, hayaan mong siya ang mauna kaysa iyo. Sa ganitong paraan, nababantayan mo siya habang ginagawa ang ehersisyo. Kung nasa hulihan siya, baka nahimatay na ito ay hindi mo pa alam.

TIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with