6 na dahilan kung bakit lapitin ka ng lamok
1. Type na type ng lamok ang taong maraming ibinubugang carbon dioxide sa kanyang hininga kagaya ng malalaking tao at buntis.
2. Naaakit ang lamok sa mga taong nagwo-work out at kasalukuyang pinapawisan. Ang pawis nila ay naglalabas lactic acid na gustung-gusto nila.
3. Sa isang pag-aaral, natuklasan ng mga researchers na gustung-gusto ng mga lamok ang amoy ng beer sa hininga ng lasing. Kaya huwag magtaka kung kinabukasan matapos makipag-inuman ay pulos kagat ka ng lamok.
4. Mas gustong kagatin ng lamok ang may type O blood kumpara sa ibang type ng dugo.
5. Ang malaria carrying mosquitoes ang naaakit sa mga buntis. Doble ang attraction nila sa mga lamok kumpara sa hindi buntis.
6. May mga taong ang katawan ay naglalabas ng chemical na umaakit sa lamok. Ang tawag dito ay attractant compounds. Ngunit may ibang tao na ang inilalabas namang chemical sa katawan ay tinatawag na repellent compound kaya hindi sila kinakagat ng lamok. Hanggang ngayon ay malaking misteryo sa mga researchers kung bakit may taong naglalabas ng attractant or repellent compounds.
8 katotohanan tungkol sa lamok
1. Babaing lamok lang ang nangangagat.
2. May 3,000 iba’t ibang species ng lamok sa buong mundo.
3. Matakaw sa dugo ang lamok. Kaya nilang sumipsip ng dugo na ang dami ay 3x ng kanyang body weight.
4. Nabubuhay sila hanggang 2 o 3 linggo.
5. Hindi lang tao ang kanilang kinakagat, pati palaka at ibon.
6. Naaakit silang lumapit sa taong ang damit ay dark ang kulay.
7. Active sila kapag full moon.
8. Puwede silang mabuhay at mangitlog sa isang kutsarang tubig.
- Latest