^

Punto Mo

Ang alagang baka

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

GUSTONG maranasan ng dalawang anghel ang kabutihan ng mga tao kaya’t nagpaalam sila sa kanilang Bossing para bumaba sa lupa.

Nag-anyong tao muna ang mga anghel at saka kumatok sa tahanan ng isang mag-anak na mahirap na nakatira sa bundok. Agad pinatuloy ng mag-anak ang dalawang anghel na nagpapanggap na tao nang makiusap ang mga ito na makikitulog lang sila ng isang gabi.

Inilabas ng ginang ang pinakamabangong unan at kumot sa kanilang bisita samantalang ang mag-anak ay nagtiis sa lumang kumot at unan.

Kinabukasan ay nagising ang mga anghel sa hagulgol ng mag-asawa dahil namatay daw ang kaisa-isa nilang baka na pinagkukunan ng gatas na ibinebenta nila sa bayan.

“Bakit pa ang baka namin ang namatay? Saan kami kukuha ng kabuhayan? Bakit hinahayaan ng Diyos na mangyari ito, alam naman niyang sa baka lang kami nabubuhay?” sabi ng ginang habang ito ay umiiyak.

Bumulong ang nakababatang anghel sa nakatatanda sa kanya: “Bakit mo hinayaang mamatay ang baka? Mababait naman sila. Di ba may power ka para mapigil iyon?”

“Kagabi ay dumating ang anghel ng kamatayan para kunin ang ina pero nakiusap ako. Kaya sa halip na ina ang mamatay ay alagang baka na lang ang kinuha ng anghel ng kamatayan.”

Kung may malakas kang paniniwala sa Diyos, huwag mong kukuwestiyunin ang mga bagay na nangyayari sa iyo lalo na kung ito’y hindi naaayon sa iyong inaasahan at kagustuhan, who knows, hinayaan Niyang mangyari ang masamang karanasan dahil iyon ay sa ikabubuti mo.

 

COW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with