Mga kuwento ng kabutihan (Part 2)
Mahirap pa sa daga pero nakuha pang magkawanggawa
Ang mga babaing taga-Alcholi Quarters, pinakamahirap na lugar sa Uganda ay nagtrabaho bilang taga-durog ng bato upang may mai-donate na pera sa biktima ng Hurricane Katrina. Nakaipon sila ng $1,000 at iyon ang kanilang ipinadala sa mga biktima.
Homeless na Pilantropo
Ang isang homeless na 98 year old na lalaki sa Bulgaria ay namamalimos araw-araw. Inipon niya lahat ang kanyang napalimusan na nagkakahalaga ng 40,000 Euros. Ibibigay niya lahat iyon sa kawanggawa para ipagpa-repair ng monasteryo at simbahan. Gagamitin din niya ang pera para pambayad ng kuryente at tubig sa mga bahay ampunan.
‘Hero’ ng mga batang walang pambayad ng kanilang ‘lunch’
Si Kenny Thompson ay isang titser sa elementary school sa Texas. Binayaran niya ang utang ng 60 estudyante sa kanilang school canteen. Sa hirap ng buhay, kailangang utangin ng mga bata ang kanilang lunch sa canteen. Palibhasa ay mahaba na ang listahan ng utang, malamig at walang sustansiyang sandwich ang ibinibigay sa mga batang may utang.
Naawa ang titser at binayaran lahat ang utang ng mga bata. Kailangan ng mga bata ang mainit na sabaw at masustansiyang pagkain lalo na kung winter. Naniniwala si Thompson na masyado pang mura ang kanilang isipan para ipamukha ang bigat ng problema ng mundo. Ang pinuproblema dapat ng isang tipikal na bata ay kung paano nila mai-improve ang grade sa spelling o kaya paano masosolusyunan ang math problem at hindi economic problem.
Namigay ng $100
Noong 2008 sa Connecticut, may dalawang lalaki na naka-sunglasses at naka-golf t-shirt ang namigay ng $100 sa bawat nakapila sa isang gas station para magpakarga ng gasoline. Ang pera ay may kasamang card na may mensaheng: Re-fueling for our community. Walang nakakilala sa kanila.
- Latest