^

Punto Mo

Hindi ako susuko (64)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MABUTI po pala Sir George at hindi ko naibigay ang portrait na ginawa ko para kay Sir Abe. Sayang kung masisira,’’ sabi ni Reagan.

‘‘Oo nga. ‘Yun ba ‘yung bitbit mo nung nakaburol si Tiyo Abe ?’’

“Opo. Balak ko sana nun sa anak na babae ibigay ang portrait pero hindi ko na nagawa dahil nga nilait-lait na ako.’’

“Mabuti nga at hindi mo ibinigay sa hidhid na si Thelma. Alam mo ba na isang araw makaraang ilibing si Tiyo Abe, e inutusan akong linisin ang bahay. Sabi pa ng hidhid, ‘yung mga wala raw kuwentang paintings sa sala ay itapon na. Nakakasira raw ng paningin ang mga paintings.’’

“Ano pong ginawa mo?’

“Hindi ko siya sinunod. Kasi’y ang bilin ni Tiyo Abe ay ipreserba ang mga koleksiyon niya. Ilang beses sinabi sa akin ni Tiyo Abe yun. Siguro kaya sinabi sa akin ay dahil nararamdaman na niya ang nalalapit na kamatayan.’’

“Ano po ang sabi ni Thelma?’’

“Huwag ko raw paniwalaan ang mga habilin. Wala na raw magagawa ang naghabilin dahil patay na. Hindi ko pa rin siya sinunod. Pero alam ko, sa ngiting aso ni Thelma, may binabalak siya sa mga paintings.’’

“Ano po kaya ‘yun?’’

“Baka itapon niya o siraia kaya?’’

Napabuntunghininga si Reagan.

Maya-maya nagyaya na si George.

‘‘Sige Reagan, baka gabihin ako.’’

Lumabas na sila pagkaraang bayaran ang kinain nila.

Sa harap ng restaurant ay inulit ni George kay Reagan ang tungkol sa perang iniwan ni Sir Abe.

‘‘Kapag nagbago ang pasya mo, tawagan mo lang ako rito sa number na ito.’’

‘‘Opo.’’

Naghiwalay na sila.

(Itutuloy)

SUKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with