^

Punto Mo

‘Great idea’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY malaking problema si Satanas. Kumakalat na sa sangkatauhan ang mabubuting salita ng Panginoong Hesukristo. Mukhang nasa panig ng mga taga-langit ang mga tao. Kaya nagpatawag ng miting si Satanas sa kanilang hell conference room. Nagdatingan ang mga pinuno ng sangkademonyuhan.

“Lumalakas ang puwersa ni Hesukristo sa sangkatauhan. Kung hindi tayo kikilos ay may posibilidad na makuha Niyang lahat ang mga tao. Wala na tayong kakampi. Wala na tayong mare-recruit dito sa impiyerno. Kaya mag-isip kayo ng magandang paraan upang maging kapanalig natin ang mga tao.”

Suggestion ng isa: “Turuan nating maging maramot ang mga tao. Bibigyan natin sila ng maraming pera. Mas maraming pera mas magiging matakaw sila rito.”

Tumutol si Satanas: “Ang mga Kristiyano ay lalong nagiging mapagbigay kapag marami silang pera. Kapag marami silang pera, lalo mo lang silang bibigyan ng pagkakataong magtayo ng iba’t ibang foundation na tutulong sa kabutihan ng sangkatauhan. Palpak ang ideya mong ‘yan!”

Suggestion ng pangalawa: “Punuin natin ng kawalan ng pag-asa ang puso ng mga tao. Ang tao kapag nawalan ng pag-asa ay nagiging ‘praning’. Gumagawa sila ng kung anu-anong kabulastugan kagaya ng pagnanakaw, pagpatay sa kapwa, rape at iba’t ibang krimen.  Minsan ay nagpapakamatay na lang! Sa hirap ng buhay ngayon, lalo na at may pandemya, marami ang nawawalan na ng pag-asa sa buhay. Hayaan nating maraming mamatay sa COVID-19 para lalong gumulo ang kanilang isipan.”

Tumangu-tango si Satanas at ang iba pang mga pinuno ng sangkademonyuhan. Maya-maya ay sabay-sabay na nagpalakpakan. “Great idea, ha!”

Ngunit anong big disappointment para kay Satanas ang nangyari? Mas lalong lumala ang problema,  mas lalong naging paladasal ang mga tao. Kahit ipinagbawal ang pagpasok sa mga simbahan dahil sa COVID-19, lalong tumibay ang pananampalataya ng tao.

Sa isip nila, tanging ang Diyos lamang ang kanilang makakapitan. Halos lahat ng kaluluwa ng mga namatay sa COVID-19 ay sa langit nakapasok. Naging matumal ang pasok ng mga kaluluwa sa impiyerno. Minsan may panahong zero kaluluwa ang nakukuha ng hari ng kadiliman. Tinunaw niya sa nagbabagang asero ang demonyong nag-suggest ng inakalang niyang “great idea”.   

vuukle comment

IDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with