^

Punto Mo

Hindi ako susuko (49)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

DETERMINADO si Reagan. Tila lalo siyang tumibay makaraang lait-laitin ng anak na babae ni Sir Abe. Lalong naging matatag.

“Ipakikita ko sa anak ni Sir Abe na kaya kong tumayo sa sariling paa. Makakatapos ako dahil sa sariling pagsisikap. Hindi ako susuko Tatay,” sabi ni Reagan sa matatag na tinig.

Nakikinig lamang ang kanyang tatay na katabi niyang nakaupo sa lilim ng punong banaba.

“Babalik ako sa pagdudrowing at ibebenta ko sa dating puwesto sa mayu simbahan. Mas lalo kong gagandahan para maraming bumili.’’

“Tama ang naisip mo Reagan. Magtatagumpay ka anak. Hindi ka mabibigo. Patunayan mo sa babaing nanlait sa iyo na mali ang akala niya.’’

“Opo Tatay.’’

“Sige umuwi na tayo. Palagay ko ay gutom na gutom ka na.’’

“Oo nga Tatay. Pero kanina nang mangyari ang panlalait sa akin e hindi ako nakadama ng gutom. Aywan ko. Siguro’y dahil sa nadama kong galit at inis.’’

“Baka nga. Tayo na at pasado ala una na. Mainit na ang araw.’’

Umuwi na sina Reagan at kanyang ama.

Pagdating sa bahay, ang nanay naman ni Reagan ang labis na nagtaka nang makita ang portrait ni Sir Abe.

“Bakit dala mo uli yan, Reagan? Di ba ibibigay mo yan kahit patay na si Sir Abe.’’

Ang tatay ni Reagan ang nagpaliwanag.

Nalungkot ang nanay ni Reagan. Naawa sa anak dahil sa nangyaring pan-lalait dito.

“Huwag mo nang isipin ang nangyari Reagan, basta ipakita mo sa nanlait sa iyo na kaya mong pag-aralin ang sarili.’’

“’Yan nga po ang gagawin ko, Nanay. Hindi po ako susuko.’’

(Itutuloy)

TAGUMPAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with