^

Punto Mo

Motorcycle taxis, arangkada na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Simula ngayon balik-operasyon na ang mga motorcycle taxis.

Nandiyan at aarangkada na muli ang Angkas, JoyRide at MoveIt.

Bagama’t limitado pa lang ang bilang nang papayagang pabiyahihin sa muling pagpapatuloy ng pilot study ng LTO, dagdag pa rin ito sa bilang ng mga sasakyan sa lansangan.

Ginawa ang hakbang para makatulong pa sa maraming pasahero na maserbisyuhan.

Gayunman, kailangang mahigpit pa ring maipatupad ang mga health protocol kabilang ang barrier sa pagitan ng rider at pasahero nito. Kailangan din na may dalang sariling helmet ang pasahero.

Sabi nga ng marami, mukhang bumabalik na nga talaga sa normal dahil sa nararanasan na naman na matinding trapik sa maraming pangunahing lansangan partikular sa Metro Manila.

Parang wala na ngang pandemya kung ang bilang ng mga sasakyan sa lansangan ang pag-uusapan.

Ito na rin marahil ang nais ng gobyerno para kahit papaano ay maibalik nang unti-unti ang ekonomiya.

Pero hindi dapat na maging kampante, dahil nga hanggang sa ngayon ay nandiyan pa rin ang banta ng COVID.

Sana ay kung nakapagsisimula na sa pagbabakuna, mukhang sa susunod na taon pa magkakaroon nang mga pagturok na ito nga ang iniintay ng marami.

Ang tanging maitutulong ng ating mga kababayan eh, sumunod naman sa mga patakaran 

na ipinatutupad ng pamahalaan.

‘Wag nang maging pasaway.

 

MOTORCYCLE TAXIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with