^

Punto Mo

Isang kuwento ng kasupladuhan…

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY isang lalaki na pumasok sa tindahan ng mga kotse. Maraming salesman ang naroon pero walang umasikaso sa lalaki.

Magkaganoon pa man, lumapit ito sa manager.

“Sir may available ba kayong 16 na kotse na iisa ang model?”

Tiningnan ng manager ang lalaki mula ulo hanggang paa—suot ay simpleng damit—parang hindi kapani-paniwala na kaya niyang bumili ng isang kotse, labing-anim pa kaya?

Isang iling na may kasamang ismid ang isinagot ng manager.

Ni hindi nag-abalang sumagot ng “wala”.

Sa katapat na tindahan lumipat ang lalaki.

Ilang oras ang lumipas ay isa-isang inilabas ng staff ng katapat na tindahan ang limang kotse na magkakapareho ang model para dalhin sa pier for delivery.

Ang labing-isa ay idedeliber sa susunod na araw dahil walang available na stock sa nasabing tindahan at kukuha pa ito sa ibang outlet.

Halos himatayin sa inggit ang manager na nanlait sa lalaki.

Hindi niya alam, ang lalaki ay liason officer ng organization ng mayayamang may-ari ng palaisdaan sa Bodo, Norway.

Kumita nang malaking halaga ang mga may-ari ng palaisdaan dahil ang inaalagaan nilang isda ay naging in-demand sa mga restaurant sa iba’t ibang bansa.

Upang maka-discount ng malaki ay napagkasunduan nilang bumili ng kotse na may magkakaparehong brand at model.

“If you judge a book by its cover, you might miss out an amazing story” – Unknown

MANAGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with