Bicol binaha ng tulong mula kay RSA!
MATAPOS masalanta ng magkasunod na bagyong Quinta at Rolly ay binaha muli ang Bicolandia, ngunit hindi mula sa ulan kundi sa maraming relief goods mula kay San Miguel Corporation president and chief operating officer Ramon S. Ang. “At this time of great need, every effort goes a long way for our countrymen,” ayon kay Ang, na mas kilala sa business community na RSA. Bago ang dalawang kalamidad ay tumulong din si Ang sa gobyerno ni President Digong para masawata ang COVID-19 pandemic at sa katunayan gumastos na ang SMC ng aabot sa P13 bilyon.
Nagsagawa rin ang SMC sa pamumuno ni RSA ng blood at convalescent plasma drive sa 130th anniversary ng kanilang kompanya, sa tulong ng Red Cross, para makatulong sa mga COVID patients. Inooperate rin ng SMC ang Better World EDSA, na isang COVID-19 testing lab. Siyempre, umani ng papuri ang SMC sa mga hakbangin nila laban sa pandemya. “What other bigger purpose is there, than to help save lives? What other goal is more worthwhile than helping our country and making it better? What kind of Filipinos would we be if we do not show malasakit towards each other in this time of great need?” ang dagdag pa ni RSA. Tsk tsk tsk! Kawanggawa ang nasa isip ni RSA, ano mga kosa?
Dahil sa walang humpay na pagtulong sa kapwa Pilipino at sa bansa, bukod sa pagpapaunlad ng San Miguel Corporation, ay karapat-dapat na bigyang pugay si RSA. Kamakailan lamang si Ang ay pinarangalan bilang 2020 ASIA CEO Lifetime Contributor awardee. Ang award na ito ay iginagawad sa mga personalidad na nagtagumpay sa kani-kanilang larangan at kusang tumulong sa kanilang mga kasapi.
Sa liderato ni Ang, ang SMC ay nakipagtulungan sa gobyerno ni President Digong para isulong ang mga proyekto tulad ng Skyway Stage 3 at Bulacan Airport kung saan maraming Pinoy, lalo na ‘yaong mga OFW na na-displace ng COVID-19, ang mabibigyan ng trabaho. Itong elevated Skyway Stage 3 ay magkokonekta ng NLEx at SLEx at mapapabilis ang travel time mula South hanggang North ng Luzon samantalang ang Bulacan airport ay tinatayang mag-generate ng 30 milyon tourism-related na trabaho para sa mga Pinoy.
Napasama si Ang sa listahan ng mga Pinoy na Asia CEO awards Lifetime contributor awardees na kinabibilangan nina dating presidente Fidel V. Ramos at SM founder Henry Sy Sr. “To be given the same Lifetime Contributor award that was given to titans such as former President Fidel Ramos and the late SM Chairman Henry Sy Sr., is a distinction I will always be grateful for,” ani RSA. Kung sabagay, humakot na nang sari-saring awards itong si RSA, kabilang na dito ang 2019 Ten Outstanding Filipino Award (TOFIL Award). Get’s n’yo mga kosa? He he he! Madadagdagan pa itong mga awards tiyak.
Mula sa food at beverage corporation, matagumpay na naitaguyod ni RSA itong SMC sa iba’t ibang negosyo tulad ng infrastructure, oil refining, at marketing, packaging, power at energy properties/real estate, banking, retirement funds, shipping at iba pa. Sobrang dami nitong negosyo ng SMC at nagdulot ito nang maraming trabaho para tulungang umunlad ang buhay ng mga Pinoy. Hindi lang ‘yan! Malaki rin ang naitulong ng SMC para palakasin ang ekonomiya ng Pinas. Tumpak! Di ba mga kosa?
Ang suwerte talaga ng mga Pinoy at may negosyanteng tulad ni RSA na handang tumulong sa kapwa sa lahat ng oras. May your tribe increase Sir RSA! Abangan!
- Latest